Ang mundo ay tuluyang nagbabago. Sinasabi ko ito sa aking sarili ilang beses araw-araw. 8 buwan na ang nakalipas mula noong malaking sakuna sa silangang Japan. Dahil ako ay lumaki sa Fukushima, habang walang nakikitang katapusan sa suliranin sa Daiichi nuclear plant, pakiramdam ko ang sakuna ay tuluy-tuloy pa rin. Dahil sa sakuna, tinitignan muli ang impluwensiya ng radyo. Sa halip ng pagtingin sa paulit-ulit na mga kuha ng tsunami, ang mga tao ay lumilipat sa radyo upang makuha ang mga impormasyong hinahanap nila. Hindi pa ako nakapagnais na magkaroon ng mikropono lulad ng pagnanais ko sa panahong iyon. Nais kong makapagbigay ng tamang impormasyon agad-agad. Sa maabalang panahon na iyon, ang pinakamaraming fax at e-mail mula sa mga tagapakinig ay ang nagsasabing sila ay nakakaramdam ng ginhawa at kasiguruhan dahil naririnig nila ang lagi nilang naririnig na boses. Noong panahong iyon, lubha kong naramdaman kung gaano ka halaga sa mga tao ang pagpapatuloy ng karaniwang mga ginagawa.
Pagkatapos ng sakuna, ako ay nagpahinga lamang ng isang araw at pagkatapos ay nakapunta sa Fukushima. May isang tindahan ng siopao na aking alam. Sabi ng may-ari ng tindahan, may mga tauhan ng TV galing sa Tokyo na dumating upang magpadala ng kanilang makukuha sa isang malapit na lugar. Ngunit sa araw ding iyon, bigla na lamang sila umuwi na nagsabing “Mapanganib! Mapanganib dito!” Dahil hindi alam ng may-ari ang mga detalye, ang kanyang pagkabalisa tungkol sa kung ano ang mapanganib ay naging palala ng palala na lamang. Pagkalipas ng ilang araw, nang ibinalita sa TV ang lakas ng radyasyon siya ay nababala. Ngunit habang may mga taong namimili sa tindahan, hindi nila masasara ang tindahan. Ako ay napuno ng galit at pagkabahala nang makita kong nagtataas ng boses ang tahimik at praktikal na taong ito. “Ngunit…” ang sabi niya. “Talagang nakakatakot ang mga bagay na hindi nakikita, di ba?” ang kanyang salungat sa maliit ngunit matatag na boses. Ang isa namang tao ay may mga magulang na nakatira sa nayon ng Iitate. Pinapunta niya sila sa Fukushima City at bumili siya ng isang maliit na bahay upang sila ay kasamang manirahan. Sabi niya, “Bakit ko kailangang silang paalisin sa lugar na kanilang nasanayang mamuhay, sa kanilang edad, upang tumira sa ibang lugar?” Pakiramdam ko ay wala akong magawa. May mga bagay na magagawan mo nang paraan kahit na matapos mawala ito. Ngunit pagdating sa mga hindi makitang kinatatakutan na maaaring lamunin ang iyong katawan, kahit na anong pagsusumikap ang iyong gawin, maaaring ang lahat ng iyong pinaghirapan ay gumuho na lamang ng bigla-bigla. Gaano kahirap ang dapat gawing pagsisikap? Kahit na walang klarong sagot, ang bilis ng pagsulong ay na-iiba sa bawat tao. Maraming nagsasabi na ang tingin nila sa buhay ay nagbago. Mula nang sakuna, ang pagpahalaga ko sa mga salita ay nagbago. Pagkalipas ng ilang buwan, ang kaibahan ng mga impormasyong nakukuha ng bawat tao ay naging maliwanag. May mga taong kumukuha ng kanilang impormasyon sa telebisyon o sa payahagan, ang iba naman ay mula sa iba pang media dahil naging maliwanag sa kanila na hindi ka maaaring umasa sa isang pinagmulan lamang, at narinig ko na may mga taong pinupulaan ang mga may kaibahang pag-iisip, kaya tumatahimik na lamang ang iba. Sabi nila na nawawala ang kakayahan ng mga tao na mag-isip kapag nakaharap sa isang bagay na hindi nila kayang sagupain ng sarili lamang, ngunit kapag walang nagsalita, hindi tayo magkakaunawaan o makakasulong. Kailangan ng pagsisikap upang magkaunawaan, at ngayon kailangan natin ang mga salita upang maaari natin maintindihan ang sakit na nararamdaman ng mga tao.
Pagkatapos ng malaking lindol sa Hanshin, maraming mga matatandang mamamayan ang tumira sa mga pansamantalang pabahay, ngunit marami sa kanila ang ayaw umalis dito. Ang mga boluntaryong tagapag-alaga ay nagtayo ng mga silid pang-komunidad na ang mga tao ay maaaring magkita-kita at makapag-inom ng tsaa, at sila ay unti-unting nagumpisang mag-usap-usap. Nang nag-uusap na, maraming mga kahilingan ang naglabasan. Unti-unti, sa pagbuo ng mga boses ng mga tahimik na mga tao, ang mga matatanda, isang samahan ang nabuo. Ang mga tao ay kusang nagumpisang mag-usap, at sila ay nakasulong sa kanilang kalagayan. Sila ay nagpapasalamat sa mga pagsisikap na ginawa ng mga boluntaryo, ngunit mayroon silang hindi mapahiwatig. Sila man ay nagpapasalamat, ngunit ang talagang gusto nila ay trabaho. Kahit na kaunti lamang, nais nilang makaramdam na sila ay nakakatulong. Ang pagharap-harap, ang pag-uusap, ang mga pakikipag-ugnayan na ito sa mga tao ay mahalagang linya ng buhay. Kailangan ang matagal na panahon upang mapagaling ang puso. Hindi ko alam kung gaano katagal ang kailangan. Ngunit dahil ang mundo ay tuluyang nagbabago, ako ay naniniwala na ang araw na ang mga luha ng galit, pagkahumya, pagkalungkot, kahit na isang patak lamang, ay magiging luha ng kasihayan.
Freelance Announcer
Yumi Karahashi
[Profile] Yumi Karahashi
Ipinanganak sa Kitakata. Nagtrabaho bilang isang announcer sa TV-U Fukushima bago naging isang freelance announcer. Sa kasalukuyan siya ay lumalabas sa programa sa radyong “Soko Daiji naToko ni Terumi Yoshida”, sa TBS “Sunday Morning ni Hiroshi Sekiguchi”, sa NHK “Mei’i ni Q”, at sa TV Tokyo “Kokoku no Bangumi”.