Freelance na tagapagsaling-wika Ms. Frauke Arndt-Kunimoto (nakarita sa Alemanya) |
Kumusta po kayo. Ako ay isang Aleman na nag-aaral ng wikang Hapon at Ingles sa kolehiyo, at tumira ako sa Japan ng 4 na taon.
Pagkatapos ng lindol, naghanap ako ng maaari kong magawa upang makatulong at ako ay naging isang boluntaryong tagapagsaling-wika. Ako ay nakikipag-ugnayan din sa Ingles na limbag ng pahayagang ito. Hindi pa ako nakarating sa Fukushima, ngunit tuwing lumalabas ang tungkol sa Fukushima sa balita, naaalala ko ang mga taong lumalabas sa pahayagang ito.
Kailangang makarating ang ating boses sa buong mundo, upang maitatag ang gabayan sa kaligtasan tungkol sa radyasyon at iba pang mga hakbang upang mapangalagaan ang mga kabataan. Kahit na malayo man, sana dadami ang mga tao sa mundo na makaramdam na ang suliranin sa Fukushima ay may kaugnayan din sa kanila at hindi lamang suliranin ng ibang tao.