社会福祉法人 福島県社会福祉協議会 避難者生活支援・相談センター

Pagsasanay ng mga Tagapayo Ukol sa Pamumuhay

2011/09/19
 

Ipagpapatuloy ang pagsagawa ng mga aktibidades na sumusuporta na magiging tulay simula ngayon sa pamumuhay ng mga taong nasa lugar likasan.



Sa loob ng Prepektura ng Fukushima, 157 na mga [ Tagapayo Ukol sa Pamumuhay] ang balak na ilagay sa perepaktura at sa 32 na Konseho ng Kapakanang Panlipunan sa mga siyudad, distrito at baryo. Ang mga Tagapayo Ukol sa Pamumuhay ay mga kawani na ang mga tungkulin ay nakatuon ang pag-tulong sa mga taong nasa lugar likasan ng paghahanap ng pang-emerhensiyang pabahay・pampribadong mauupahang bahay, maaaring sanggunian ng mga tao tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa kanila araw-araw at tunkol sa kanilang pamumuhay simula ngayon, at tutulong sa paghanap ng mga sistema at serbisyo na makakatugon sa mga pangangailangan. Dahil sa iba’t-iba ang linya ng pinagdalubhasaan, karanasan sa trabaho, at mga edad, magsasanay muna ng 3 araw bago magsisimula sa trabaho, pag-aaralan ang mga pangunahing gawain.


Sa unang araw ng pagsasanay, mula sa Konseho ng Kapakanang Panlipunan ng Siyudad ng Kashiwasaki pakikinggang ang karanasan sa pagsuporta sa pansamantalang pabahay ng Niigata Chuetsu Oki Jishin. Sa pangalawang araw ay ipinaintindi ang mga tungkulin at katayuan ng pagiging isang Tagapayo Ukol sa Pamumuhay, at saka, pag-aaralan ang trabaho sa pagbisita sa bawat bahay at pag-intindi sa mga kakulangan upang maisagawa ang pagsuporta sa bawat tao. Sa pangatlong araw ay pag-aaralan kung papaano ipapa-ugnay ang tao nangangailangan ng tulong at mga organisasyon upang mabigyan ng suporta sa distrito, at panghuli ay ang pagtiyak ng mga mahahalagang punto sa pagpigil ng krimen・pag-iingat sa kalamidad at iba pa. Ang praktikal na kaalaman na may kaugnayan sa pagiging isang Tagapayo Ukol sa Pamumuhay ay kinakailangan, subalit napakahalagang punto rin na malaman ang kahalagahan ng pagsagawa ng trabaho bilang miyembro ng organisasyon at grupo.



May 47 katao ang lumahok sa unang araw nang pagsasanay na sinimulan noong ika-9 ng Agosto. Ang 3 araw na pagsasanay ay 5 beses na gaganapin hanggang buwan ng Oktubre. Sa mga nagsipaglahok, ay may mga nagsisimula na ng aktibidades sa pagbisita sa pansamantalang pabahay at iba pa, ang pagpapalitan ng mga kuru-kuro at karanasan nang bawat-isa ay isa nang malaking pag-aaral. Dahil sa bigat ng tungkulin na papasanin sa pagsuporta sa pagbabagong-buhay nang mga nasa lugar likasan, may mga kalahok na bago magsimula ang pagsasanay ay nagpakita nang pag-agam-agam at nerbiyos, subalit nang matapos ang 3 araw na pagsasanay, nagkaroon ng koneksiyon ang magkakaparehong Tagapayo Ukol sa Pamumuhay at nadagdagan ang pag-uusap at mga ngiti. [Una ay masiglang pagpapakilala nang sarili upang matandaan ang mukha], [huwag kaligtaan ang maliit na pagbabago], [iparating agad ang tumpak at kasalukuyang impormasyon] at iba pa ay ang mga layunin isinaloob, at nag-ipon ng matatag na kalooban sa pagbisita sa mga bahay-bahay na nagsipagbalik sa lugar ng trabaho.

Taong 2011 Konseho ng Kapakanang Panlipunan ng Siyudad/ Distrito/ Baryo, Pagsasanay ng mga Tagapayo Ukol sa Pamumuhay
(Bahagi ng Pangunahing Kaalaman)

Nagsaayos
Konseho ng Kapakanang Panlipunan ng Prepektura nang Fukushima

Katambal
Japan Volunteer Coordinator Association (JVCA)
Social Welfare Institute Kashiwazaki City Social Welfare Council
(Institusyon ng Kapakanang Panlipunan, Konseho ng Kapakanang Panlipunan ng Siyudad ng Kashiwazaki)

この記事が気に入ったら
いいね!しよう