社会福祉法人 福島県社会福祉協議会 避難者生活支援・相談センター

Lakas ng Bundok, Kapangyarihan ng Kalikasan

2011/09/19
 

Napakadali at malapit nang magkalahating taon mula noong ika-11 ng Marso at hanggang sa kasalukuyan, araw-araw ay masakit sa akin na ang kondisyon na palatandaan ng pagbangon ng Prepektura nang Fukushima sa mga darating na bukas ay hindi pa nakikita.

Sa pag-iisip na kung ano ang maaari naming magawa bilang mga taong gusto ang bundok, ay naisipan na maparami ng kahit na isa man lamang ang mapapunta sa bundok nang Fukushima na puno ng mga likas na ganda. Dahil para sa akin, ang pag-akyat nang bundok, pakikipag-usap sa mga lokal na tao, kumain ng mga pagkaing lokal, at pagbili nang mga pasalubong bago umuwi ay isang uri ng pagsuporta.

Ang paglalakad sa gitna ng kalikasan ng mga taong namumuhay sa lugar likasan ay, para sa akin ay maaaring maging libangan kahit konti at magpapasigla ng kalooban, pagkatapos nang lindol, sa pagpapakilala ni Ginoong Tagashima Kazuyoshi na isang kawani ng mga kinatawan ng kapulungan na naglilibot sa mga lugar likasan ng Fukushima, nahikayat ang pakikipagtulungan ng Asosasyon ng Turismo ng Ashinomaki Onsen, at noong noong ika-13 ng Hunyo ay naglakad sa Urabandai Goshikinuma Tanshouro kasama ang mga nagsipaglikas sa Ashinomaki Onsen. Noong ika-11 ng Hulyo, ay umakyat ng Adatara Renpou na isang kimenzan (bundok ng mga maskara nang diyablo) sa pakikipagtulungan ng Asosasyong Turismo ng Tsuchiyu Onsen na ipinakilala nang isang pahayagan ng Fukushima(ang Fukushima Minyuu). At naghanda kami nang mga reserbang pang-akyat sa bundok na mga sapatos , napsak at iba pa. Mapalad na ma-araw ang panahon ng mga araw na iyon, naglakad sa loob nang malagong kagubatan na pakagandang kulay berde, kumain nang bolang kanin( onigiri), nagkaroon nang pagkakataon na makapag-usap nang sari-sari.

Gaya nang isang positibong kuwento na [Sa katunayan hindi ko napag-isipan na makakapag-hiking habang namumuhay sa loob nang likasan, ang bahay at kahit anong gamit ay walang natira subalit ang mga iyon ay nakaraang usapin, kailangan nang pag-isipan ang sa kasalukuyan….], na parang kami pa ang hinihikayat.

[Talagang naging masigla ang aking pakiramdam, naging napakagandang libangan, walang mangyayari kung malungkot na mag-iisip] ang sabi habang pauwi [Maraming salamat] ang sabi pa at nagulat ako dahil bumili rin nang strap para sa cellphone at ibinigay sa akin bilang pasalubong.

Ako rin ay namamahala nang isang lodge na Inawashiro Numajiri Onsen, subalit dahil sa pinsala ng tubo ang Onsen ay nakasarado nang 2 buwan. May sarili akong bus na puwedeng masakyan nang 28 tao, at pagkatapos nang hiking, inihatid nang aking asawa sa bus ang lahat hanggang sa lugar likasan, sa pag-uwi ay nakatanggap nang isang kahon ng Oronamin C1 mula sa mga nagsipaglahok at ang sabi ay [inumin niyo ho ito], nahiya tuloy ako. Sa unang pagtatagpo at pagkatapos nang paglakad sa bundok ay talagang naging iba ang mga naging ekspresyon nang mga mukha, ang lakas ng bundok, ang kapangyarihan nang kalikasan ay talagang naramdaman, ang hiking na ito ay gusto kong ipagpatuloy sa hinaharap. Niyayakad ang mga tao sa Metropolitan Area, at nagplano ng pag-akyat sa (Nishi Atzumayama) sa buwan ng Oktubre bilang hiking sa pagsuporta sa Tohoku. Mula ika-21 ng Agosto 3 gabi at 4 na araw ay may 3 pamilya na apektado nang kalamidad na ang ICI Sports ang sponsor. Ako at si Tateyama ng Prepektura nang Toyama ang siyang nagpatupad nang plano sa pag-akyat. Ito ay ipapalabas sa BS Television sa ika-8 nang Oktubre, alas 7 nang gabi. Bilang kaanib sa Japan Himalayan, Adventure, Trust (HAT-J) ay naganap ang proyekto bilang suporta sa Tohoku, ang hiking, ang pag-akyat sa bundok mula ngayon ay ipapatupad, kung may plano kayong maglakbay sa hinaharap bilang suporta sa amin mangyari makipag-ugnayan lamang. Halina’t maglakad sa napakagandang kalikasan ng Fukushima, at sama-sama tayong maging malusog at masigla.




Tagabundok Tabei Junko

この記事が気に入ったら
いいね!しよう