社会福祉法人 福島県社会福祉協議会 避難者生活支援・相談センター

Palengke ng Aking Bayan

2011/07/12
 

Paglikha ng isang masayang pamumuhay sa pansamantalang pabahay
Palengke ng Aking Bayan


▲Napapanaginipan na ng mga matatanda at mga bata ang paghahabi ng banig.
Ang mga materyales ay galing sa kompanyang Endo Shoukai na PP band na ginagamit sa pag-iimpake.


Ang “Palengke ng Aking Bayan” ay panukala ni Ginoong Jun Kitazawa na mula pa noong Abril ay patuloy na nagbuboluntaryo sa Shinchi-machi, sinimulan ang masayang inaasahang balak na ito sa kooperasyon nang Shinchi-machi Social Welfare Council (Kapakanang Panlipunang Konseho ng Shinchimachi) at Disaster Volunteer Center (Sentro ng mga Boluntaryo sa Kalamidad) noong buwan nang Hunyo. “Ang binabalak na pagbubukas ng palengkeng ito ay inumpisahan sa paghabi ng mga banig na ilalatag sa mga tindahan. May post office at aklatan, kapihan, beauty parlor, paaralan at iba pa, lahat ay isang bahagi ng bayan na pinili upang gawing modelo at maliit na itinayo. Kapag ang mga ito ay itinayo ng magkakatabi, makakabuo ng isang maliit na bayan. Ang unang layunin ay ang maranasan at masiyahan ang lahat sa lilikhaing bayan.” ayon kay Ginoong Kitazawa. Ang araw nang pagsaklaw (coverage), ay ang araw na pinag-usapan kung anong uring pagawaan o tindahan ang itatayo. “Magandang may cake sa kapihan. Makapag-order kaya sa ang aking ina dahil magaling siya gumawa nang cake”, “Maganda kaya ang magtayo ng photo studio? Para kunan ng litrato ang mga namamalengke”, “Anong palagay ninyo sa grocery store?”, at iba pa, ang mga iba’t-ibang kuru-kurong ibinigay ng mga nagtipong mga bata. Ang kainaman ng planong ito ay magaang sa loob na maaaring sumali ang matatanda at mga bata. Sa paghabi ng mga banig naman ay malayang makakasali ang kahit na sino. Basta pumunta lang sa lugar na pinag-iipunan at palaging may mga kamay na gumagawa. Dumadami ang pag-uusap kapag nagtipun-tipon, at magiging natural ang proteksyon”, ang sabi ni Ginoong Yokoyama Takashi na pangulo ng samahan ng mga mamamayan. Ang pagtayo ng “Palenke ng Aking Bayan” ay para sa paglikha ng isang masayang pamumuhay sa pansamantalang pabahay. Marahil hindi rin isang panaginip ang paulit-ulit na pagbubukas ng palengke. (2011.6.227)


▲Noong ika-10 ng Hulyo, 2011, sa Shin-machi Ogawa Park Space Temporary Housing ay isinagawa ang pag-uusap kung ano ang nararapat itayong tindahan o pagawaan sa [Palengke ng Aking Bayan].


この記事が気に入ったら
いいね!しよう