Mula sa kaliwa: Yuji Yoshida, Hiroko Yoshikawa, Taeko Takemura at Mayumi Sato |
9 na buwan na ang lumipas mula noong lindol at kasalukuyan, malubahang nagsusumikap upang mapasa-ayos muli ang kapaligiran. Dito sa Sukagawa Council of Social Welfare, mayroon nang 4 na tagapayong nagbibigay suporta sa pamumuhay noong Oktubre. Balak namin na tuluyang gawin ang aming makakaya upang makipagtulungan sa lahat na mapasa-ayos muli ang kapaligiran. Aming ipinaaabot ang aming mensahe sa araw-araw na aming mga ginagawa.
○Habang lumilipas ang panahon, nakikita ang umaasensong pagsasa-ayos ng kapaligiran, ngunit dahil hindi nakikita ang kailangang pangangalaga sa mga kaisipan ng mga naging biktima, kailangan ang maingat at tuluyang pag-aalaga upang maisiguro ang paggaling ng pag-iisip. Kahit na may naiiwan pang mga pag-aalala tungkol sa aksidente sa nuclear power plant at mga pag-aalala sa araw-araw na pamumuhay, nais naming ituloy ang aming ginagawa, habang isinasa-isip ang pagtingin sa mga bagay sa kalagayan ng mga napinsala, kumilos patungo sa parehong dako at magkaroon ng parehong pag-iisip. (mula kay Ginoong Yoshida)
○Sa araw-araw na aking mga ginagawa, naramdaman ko muli ang kahalagahan ng pakikipagtulungan. Lalo na noong pagbaha (sa mga pansamantalang pabahay sa loob ng lunsod) dahil sa bagyo bilang 15, nabuhay muli ang aking kalooban sa pagtulong nang makita ko ang mga taong nagtutulungan at nang makita ko ang kanilang mga sumsalubong na ngiti kahit na sila ay muling napilitang lumisan. Nais kong ituloy ang aking ginagawang pagsuporta sa mga lumisang tao. (mula kay Gng. Yoshikawa)
○Sa mga pagtulong na aking ginagawa, marami akong naranasang kahirapan, kung papaano ako makakatulong, kung tama ba ang aking ginagawa, halos nangangapa ako sa aking mga ginagawa. Kahit na hindi ako panalig sa aking ginagawang pagtulong, ang mga [salamat] na aking natanggap ang nag-alalay sa aking. Nais kong ipagpatuloy ang aking mga ginagawang pagkikipagtulungan sa mga biktima. (mula kay Ginoong Takemura)
○Ang mga tao, na dahil sa tuluyang naranasang mga kapinsalaan dulot ng lindol at baha, nang naiiyak na nagbukas-bibig sa akin ng kanilang mga suliranin dahil sa kahirapan at mga pakipag-ugnayan sa mga tao, at sinabing [Nasabi ko na rin sa wakas…], naramdaman ko na tama ang aking pasiya na maging isang tagapayong nagbibigay suporta sa pamumuhay. Palagay ko ang aking papel ay ang magbigay suporta sa mga sumusilong na mga tao, upang maging mapanatag ang kanilang kalooban and makapamuhay sila na walang pag-aalala. Ako ay natututo sa bawat kasong aking ginagawa sa pagbigay ng suporta. (mula kay Gng. Sato)