Manggagamot・Manunulat Ginoong Minoru Kamata (nakatira sa Nagano Prefecture) |
Ang unang kong pakikipag-ugnayan sa Fukushima ay noong ako ay nakatanggap ng SOS mula sa mga taong nakatira sa loob ng 30 kilometrong layo mula sa mga nuclear power plant na hindi makalisan dahil sa lindol at aksidente sa mga nuclear power plant. Sumama ako bilang isang boluntaryo sa isang grupo ng mga manggagamot at nars na nagtatrabaho sa Suwa Central Hospital. Maliban dito, ginagamit ng Japan Chernobyl Foundation, na ako ang namumuno, ang aming mga karanasan sa aming mga aktibidades sa Chernobyl upang magbigay suporta sa mga tao sa Fukushima. Kasama namin sila Ginoong Kunio Yanagida (isang tanyag na manunulat) na binabasahan ng mga libro ang mga bata, at bumisita kami sa Fukushima na kasama si Piiko at Masashi Sada. Amin ding binabalak na magkaroon ng isang lektura ni Rokusuke Ei sa isang miyusikhol sa Fukushima City. Natural,lahat ng mga ito ay boluntaryong gawa. Pagkatapos kong mapuntahan ang Fukushima ng ilang beses, pakiramdam ko ang Fukushima ay aking ikalawang bayan. Ngayon marami na akong matalik na kaibigan na parang kamag-anak ko na. Tuluyan akong bibisita sa Fukushima kasama ang aking istetoskop upang magbigay ng medikal na tulong. Kapag nakita ninyo ako, bumati naman kayo. Mahal ko ang Fukushima.