社会福祉法人 福島県社会福祉協議会 避難者生活支援・相談センター

Maraming iba’t-ibang mabuting paraan upang maging maginhawa ang pagtira sa mga pansamantalang pabahay

2011/08/08
 

Maraming iba’t-ibang mabuting paraan upang maging maginhawa ang pagtira sa mga pansamantalang pabahay. Magtipon ng lakas upang maging masagana ang araw-araw na pamumuhay sa hinaharap.

Malapit na maging 5 buwan mula noong nagkaroon ng lindol. Dumarami ang mga naging biktima ng kalamidad na lumilipat sa pang-emerhensiyang pansamantalang pabahay. Sa isyu na ito, aming itatagubilin ang ilang mga pinagsasagawang aktibidades para maging maginhawa ang pamumuhay mula ngayon. Sana maging basehan ang mga ito sa pamumuhay ng kalahatan.

Kung makipag-usap sa iyo tungkol sa iyong mga alalahanin at mga damdamin mga alagang hayop
▲”May magandal asal din sa pagpasyal ng alaga. Maganda kapag alam ang lugar ng klinika sa mga hayop na tumutugon sa pang-emerhinsiya sa gabi upang maging panatag ang kalooban.”, ayon kay Doktora Terashima.

Ang pang-emerhensiyang pansamantalang pabahay ng Chikura (94 na pinto) ay ang tanging pansamantalang pabahay sa loob ng Siyudad ng Minamisoma na maaaring isama ang mga alagang hayop. At bilang lugar ng pakikipagtulungan ng lahat ng mga nagsipaglipat, tuwing Huwebes ng bawat lingo ay isang “salon sa pag-inom ng tsaa” ang binuksan subalit nakakabagabag dahil ang mga nagsisipaglahok ay kakaunti lang. Sa aming karanasan ay may mga naging dahilan na “hindi makakaalis dahil maiiwan ang alaga”. Kaya noong ika-28 ng Hulyo ang salon ay ginawang lugar na mapag-uusapan ang tungkol sa mga saloobing pag-aalala ukol sa mga alagang hayop at inimbitahan ang lokal na beteniraryong si Terashima Miho. Pagkatapos may 17 kataong nagsipaglahok, ang limitasyon ng lugar sa pamamaraan ng pag-aalaga, ang pagsasaalang-alang sa mga kapitbahay, konsultasyon ukol sa mga alagang hayop at iba pa, iba’t-ibang paksa ang nagsipaglabasan. “Ang angkop na payo ni Doktora Terashima ay iugnay nang nagmamay-ari ang sarili, ang pakikipag-usap ay nagiging lunas nang lahat, ang salon sa ngayon ay maraming naging bunga”, ayon sa sumusuporta sa salon na isang boluntaryo sa Life Recovery Volunteer Center na si Sato Kiyohiko. Sa susunod, isang beses sa isang buwan ay magbubukas ng salon na ang paksa ay tungkol sa mga alagang hayop, tayong lahat ay gagawa nang mga kinakailangang patakaran upang ang pansamantalang pabahay ng Chikura ay maging isang lugar na ang maginhawang tirahan.



▲“Pagkatapos ng lindol, kahit sa kulog ay nagtititili sa takot ang lahat” at iba pang mga ikinababahalang mga saloobin ang pinag-usapan ng lahat



Patlang ng trabaho ng mga karaniwang hardin halaman
▲Buwan ng Hunyo, may 20 taong aplikanteng nagpunla ng mga binhi ng mais.
Nakatakda ang ani sa simula ng buwan ng Setyembre.

Ang araw-araw na nakakapagpasaya sa trabaho sa taniman ng mga pangkaraniwang gulay, ay ang Big Palette Fukushima sa Siyudad ng Koriyama para sa lahat na nakalikas sa Tomioka-machi at Kawachi. Ang pinagsimulan ay mula sa kaisipan na “Ang ating makakayang gawin” ng mga nagboluntaryo sa paligid nang lugar likasan.
Para sa mga taong kapag nakahawak nang lupa ay nagiging masigla ang pagmumukha, ang taniman nang pangkaraniwang gulay ay pinasimulan mula sa paghahanap ng mga may gusto ng gawain at sa pakikipagtulungan ng Kenritsu Iwaki Nougyou Koko (Mataas na Paaralan ng Agrikultural sa Prepektura ng Iwaki) at Suzuki Green Farm. “Sa ngayon, ang lahat ay nilalasap ang kagalakan sa pagpapalago. Ang susunod ay, ang ganap na pagtamasa ng kagalakan sa pag-ani, at napag-uusapan sa kasalukuyan na kapag ang pamumuhay sa pansamantalang pabahay ay naging matatag na ay pag-iisipan naman ang paghahati sa taniman” ayon kay Endo Kinuko ng Odagaisama Center. Kapag nasimulan ang unang hakbang, doon magmumula ang iba’t-ibang pakikipagtulungan, at dadami ang maaaring mapaglilibangan. Iminumungkahi sa lahat ang paggawa ng maaaring mapaglibangan sa sariling kapaligiran.



▲Ang taniman ay 30 minuto kapag gamit ay sasakyan mula sa lugar likasan. Ang pagdadamo ay kanya-kanyang lakad upang gawin, kapag hindi maagapan, tumutulong ang mga guro sa Mataas na Paaralan ng Agrikultural ng Prepektura ng Iwase na siyang naghandog ng taniman.


この記事が気に入ったら
いいね!しよう