Malapit nang dumating ang talagang tag-init, tuluy-tuloy ang paggawa ng mga pansamatalang pabahay sa bawat lugar sa loob ng perepaktura, at padami ng padami na ang lumilipat sa mga pansamantalang pabahay mula sa mga shelter.
Nabigyan kami ng mga payo kung papaano mamuhay ng malusog, masaya at masigla sa pansamantalang mga pabahay mula kay Ginoong Ogake na naturuuan ng tagapag-payo sa pagtulong sa pamumuhay sa mga pansamantalang pabahay sa Kashiwazaki City na tinamaan ng lindol ng Niigata Chuetsu-oki noong Hulyo ng taong 2007.
1) Mga bagay na dapat pag-ingatan upang malagpasan ang panahon mula tag-ulan hanggang tag-init
◆Mag-ingat lamang sa hyperthermia sa panahon ng tag-init. Madalas na uminon ng tubig upang hindi matuyo ang katawan. Sa araw na mainit, gamitin ang aircon upang ibaba ang temperatura sa nararapat na temperatura.
◆Ang dingding ng mga pansamantalang mga bahay ay nagiging mainit kapag tinamaan ng araw. Mag-ingat na hipuin ito upang hindi mapaso. Pagapangan ng mga tanim na gumagapang (tulad ng ampalaya) at gumawa ng [berdeng halamanan].
◆Madaling malason dahil sa nasirang pagkain sa panahon ng tag-init, dahil sa mataas ang temperature at “humidity” kaya pag-ingatan lamang ng husto ang kalinisan.
2) Pagbuo ng kominidad
◆Dahil sa paglipat sa pansamantalang pabahay, ang kaugnayan sa komunidad ay kumakaunti.
◆Sumali sa mga isinasagawang gawain upang maitaguyod ang pakikipag-ugnayan, at makihalubilo sa mga kapit-bahay sa pansamantalang pabahay upang maging malapit ang kaugnayan.
◆Upang makilala ang mga tao sa paligid na lugar ng pansamantalang pabahay, makipag-ugnayan sa mga mamamayan sa paligid na lugar.
◆Ang pinakamahalaga ay ang mamuhay ng masigasig at maging positibo. Umpisahan sa mga bagay na kayang gawin, at sumulong ng dahan-dahan.
Kashiwazaki City Council of Social Welfare
Tagapag-payo tungkol sa pagtulong sa pamumuhay Ogake, Yukio