社会福祉法人 福島県社会福祉協議会 避難者生活支援・相談センター

Fukushima Branch ng Japanese Red Cross Society

2011/07/04
 

Ang katawang pagod na sa pamumuhay sa shelter ay masahiin ng palad
[Maraming salamat po. Ang aking buong likod ay nag-iinit.]


▲Ang pagpapa-relax ng katawan sa pamamagitan ng paghipo.
[Ang buong likod ay nag-iinit.] na napangiting sinasabi ng mga taong nasisilong sa mga shelter


Ang Fukushima Branch ng Japanese Red Cross Society ay isang samahan na itinatag ng Fukushima Disaster Volunteer Liaison Council. Pagkatapos mismo naganap ang sakuna, sila ay nagsagawa ng iba’t-ibang mga aktibidades upang makatulong tulad ng pagtatag ng grupo pang-medikal (para sa mga gawaing pang-emerhensiya), at pagdala ng mga relief goods tulad ng mga kumot. Sa mga shelters, ang mga miyembro ng grupo ng mga boluntaryo ng Red Cross ay nagluluto. Ayon kay Gng. Takeda, Reiko, [Kami ay nagsasanay para sa mga gawaing ganito kaya mabilis na naumpisahan namin ang mga dapat gawin.]. Sa shelter sa gym ng Aizuwakamatsu City, tuluyang nagluto sa loob ng 1 buwan mula ng ika-16 ng Marso ang Samahan ng mga Babaing Boluntaryo ng Red Cross sa nasabing lungsod. Dahil sa nais nilang mabigyan ng mainit na pagkain ang mga nagdusang mga biktima ng sakuna, tuluy-tuloy silang araw-araw na nagluto ng 3 beses sa isang araw. Maliban sa grupong ito, sa Azuma gym ng Fukushima City, ang grupo ng mga boluntaryong mag-aaral mula sa Fukushima Medical University ay nagumpisa ng klase para sa mga bata para sa paggawa ng mga handicrafts, ang mga miyembro ng Samahan ng mga Boluntaryo ng Fukushima Branch ng Japanese Red Cross Society kasama ang mga miyembro ng samahan na pinamunuan ni Gng. Saito para sa Souhen na uri ng Seremonya ng Chaa ay inumpisahan ang [Ang berdeng chaa ng Hapon at ang pag-relax], at iba pang mga proyektong nakakapagbigay ng oras na nakakapagpahinga ng damdamin.
Ayon kay Gng. Takeda, [Hanggang ang mga taong nasa mga shelter ay mapayapang makapamuhay sa kaunting kanilang dala, kami ay tuluyang magbibigay ng iba’t-ibang suporta sa kanila.]. Sa mga taong nakatira na sa mga pansamantalang pabahay, ipinababatid nila na huwag mag-atubiling humingi ng tulong para sa pamumuhay.


▲Ang grupo ng mga babaeng boluntaryo ng Red Cross ng Aizuwakamatsu City ay tuluyang nagluto sa loob ng isang buwan sa mga shelter. May 147 na mga grupong nagbibigay ng boluntaryong serbisyo sa loob ng perepaktura ng Fukushima, 14,000 na mga tao ang nakarehistro at gumagalaw.
Ang pagpapa-relax ng katawan sa pamamagitan ng paghipo.
[Ang buong likod ay nag-iinit.] na napangiting sinasabi ng mga taong nasisilong sa mga shelter

▲Magkasamang inumpisahan ng mga miyembro ng Samahan ng mga Boluntaryo ng Fukushima Branch ng Japanese Red Cross Society at ng samahan na pinamunuan ni Gng. Saito para sa Souhen na uri ng Seremonya ng Chaa
[Ang berdeng chaa ng Hapon at ang pag-relax]







この記事が気に入ったら
いいね!しよう