Isang taon na ang lumipas mula noong kalamidad, ito na rin ang huling lathala ng pahayagang “Fukushima Disaster Volunteer Center Newsletter- Heartful Fukushima hiwalay na pahayagan”.
Kung titignan ang nakalipas na 1 taon ng paglalathala, ang mga nakapaloob na mga aktibidades ng boluntaryo na mga suporta sa lugar likasan at pag-alis ng mga galaktang nadurog, mula sa pag-alis ng mga putik na suporta sa nagdaang kalamidad, sa mga aktibidades na salon at pagluluto sa pansamantalang pabahay, sa lugar kung saan nag-iipun-ipon ay iba’t-ibang pang-aliw ang idinaos bilang pagbibigay ng suporta.
Inilathala ang pahayagan sa kanaisang makapagbigay ng suporta sa damdamin at mapalakas ang kalooban ng mga biktima sa paglagay ng mga artikulo tungol sa mga aktibidades mula ngayon at pagpapakilala ng mga taong nagsisipagboluntaryo, at sa pagbasa ng mga mensahe galing sa mga mamamayan ng mga karatig Prepektura para sa Fukushima.
Sa Prepektura ng Fukushima, hanggang ika-11 ng Marso ngayong taon, ang total ng mga nagsipagboluntaryo sa pamamagitan ng Sentro ng mga Boluntaryo ukol sa Kalamidad sa loob ng Prepektura ay mahigit 147,000 sa loob ng isang taon. Sa ngayon din, iba’t-ibang uri ng suporta ang mga natatanggap. Pagkalampas ng buwan ng Abril, ang Sentro ng mga Boluntaryo ukol sa Kalamidad ng munisipalidad (siyudad,bayan,nayon) ay may mga planong magpalit ng pangalan, subalit ipagpapatuloy namin ang mga ginagawa na makapagbigay ng tulong sa mga biktima.
Sa hinaharap, para ang Prepektura ng Fukushima ay patuloy na makatungo sa muling pagpanibango ang mga residente at rehiyon ay kailangan ng pansariling lakas at kasama na ang ibinibigay na lakas ng iba’t-ibang suporta ng mga boluntaryo. At sa hinaharap na kinakailangan ang mahabang panahon upang muling makapagpanibango, magkakasamang haharapin, magkakasamang magtutulong-tulungan, at habang magkakasamang hinihikayat ang bawat isa ay alam kong malalampasan natin ang lahat。
Hininto na paglathala ng pahayagang ito, at kami ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong sa pagkolekta ng mga balita, sa lahat ng nagsikap na mapaabot ito sa publiko, at sa lahat ng mga taong ginawa itong paboritong babasahin.
Marso ng Taong 2012
Fukushima Disaster Volunteer Center
Nakiisa sa pag-i-edit/pagwasto: NPO Utsukushima Branch(※1)
NPO Japan Volunteer Coordinators Association(※2)
※1:Ang mga taong may kanya-kanyang angking talino sa sining, edukasyon, pagpaplano, editor/taga-wasto, anunsiyo, arkitektura at iba pa, ay isinagawa, ang panukala para sa layuning na ang mga lokal na residente ay mas may kakayahang “Fukushima” ang malikha. Mula noong taong 2004 nagsasagawa ng ba’t-ibang mga events na puno ng aliwan at kasiyahan sa pagdiriwang ng bayan.
※2:Dinagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan sa pakikilahok, at para aktibong makakilos ay ang mga boluntaryong coordinator na sumusuporta, ang mga organisasyon sa loob ng bansa ay nagsipagsuporta.