社会福祉法人 福島県社会福祉協議会 避難者生活支援・相談センター

Mga dayuhan na patuloy na nagsisipagboluntaryo mula noong pagkatapos ng nagdaang kalamidad hanggang sa ngayon

2012/02/20
 

Mga nagsisipagboluntaryo na grupo ng pansariling tulong ng mga Pilipino
“Nagbibigay din sa amin ng sigla ang ginagawang panghihimok.”


▲Ang mga boluntaryong nagpunta sa pansamantalang pabahay sa Date-shi Datehigashi (Silangang bahagi ng Date, Siyudad ng Date).
Sa ritmong maliliksi ay ipinakita ng mga miyembro ang tradisyunal na sayaw ng Pilipinas na umani nang masigabong palakpakan sa mga manonood.

Ang ‘HAWAK KAMAY FUKUSHIMA’ ay grupo ng pansariling tulong ng mga Pilipino na naninirahan sa Fukushima.
“Pagkatapos ng kalamidad, ang grupo ay itinayo noong Abril ng nakaraang taon ng mga miyembro sa kagustuhang magkaroon ng grupo ng pakikipagtulungan.
Ang pangalan ng grupo ay nasa Wikang Filipino (Tagalog) na ang ibig sabihin sa Wikang Hapon ay “Te o tsunagou” ayon kay Kathryn Doria Goto (Tagapangulo).

▲Sa bandang kanan ay ang Tagapangulong si Ginang Goto

Ang unang naging aktibidad ay ang pag-alok ng mga impormasyon sa mga miyembrong nasa gitna ng pagkabalisa. Ginamit ang facebook sa pagbibigay kaalaman kung ano ang mga dapat gawin, saan dapat pumunta at iba pa.
“Kapag nakakatanggap ng mga impormasyon at nalaman kung ano ang dapat gawin ay nagiging kalmado ang pakiramdam ng mga miyembro.”
Ang pakikipag-usap din sa sariling wika ay nakapagpakalma rin. Nang mabuo ang grupo ay nagkaroon ng pakikipag-kooperasyon, at may grupo ng mga Pilipino sa Nagoya na nagpadala rin ng bigas at tubig.
“Naging masayang-masaya ang mga nanay na may maliliit na anak.”
Sa paghahangad na makatulong sa mga taong mas pa ang mga naranasan kumpara sa sarili, ay pumunta sa iba’t-ibang lugar likasan at pansamantalang pabahay para tumulong sa pagluluto.

“Ang sunod ay tungkol po sa edukasyon. Pag-aaral sa Montessori (*) ang batayan, gumawa nang free school na ang lahat ay wikang Ingles ang ginamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, sa kagustuhang na mga bata ng Fukushima ay mapalipad sa lahat ng panig ng mundo.”
Sa ngayon sina Ginang Goto ay habang nagsasanay para maging tagapagturo ng Montessori ay pinaghahandaan din ang pagbubukas.

Kamay sa kamay ay nagsipaghawakan para sa minimithing pangarap ng mga miyembro na ang mga mata ay nagsisipagning-ning.

* Pamamaraan ng pagtuturo para mailabas ang potensiyal ng bata.

●Pakikipag-ugnayan:
Hawak Kamay Fukushima 090-8257-0523


▲Hanga sa magandang boses.
Masayang oras sa Karaoke

▲Ang mga miyembro ay kanya-kanyang paghahanap ng mga kinakailangan at isang beses sa isang buwan ay bumibisita sa mga pansamantalang pabahay. Sa araw na ito ang menu ay spaghetti at sandwich.

この記事が気に入ったら
いいね!しよう