Noong taong 1995 na lindol sa Hanshin Awaji, sinasabing may mahigit 1 milyon at 300 libong boluntaryo ang nagsipagkilos, at sa mga sumunod na malalakas na lindol o pagbabaha dahil sa malakas na ulan, at sa kasalukuyang lindol sa silangang bahagi nang Japan, maraming mga boluntaryo ang mabilis na nagsipagdatingan mula sa buong bansa at mula din sa ibang bansa. Mga maaasahang boluntaryo na nagsipagdatingang kumpleto sa gamit pagkatapos mismo ng sakuna. Sa mga tunay na karanasan at sa mga videong kuha ng mga tao ng masmidya, maraming mga taong napinsala ng sakuna ang nag-aakalang ang mga boluntayo ay galing sa malalayong lugar. Kapag sinabing ”boluntaryo”, may naisasa-isip na larawan at natatanging gawain, ngunit ang boluntaryo ay isang kusang loob na gawang maaaring umpisahan ng maluwag sa damdamin ng kahit sino man, kahit kailan man, kung saan man napapasain na kailangan. Ang pagtutulungan ng magka-kapitbahay at ang maraming gawain ng mga mamamayan para mapaganda ang isang lugar, fundraising at pagbibigay ng mga bagay bilang donasyon, ang paggamit ng espesyal na kakayahan o libangan para makapag-ambag sa iba o sa mga nakatira sa sariling komunidad, sa mga gawain bilang isang miyembro nang lokal na komunidad na “natural lang” “magtulungan ang bawat-isa”, maraming makikita na kahit maliliit na mga boluntaryong gawain.
Ayon sa isang pananaliksik, sa tanong kung anong nakukuha sa gawaing boluntaryo?, ang nangungunang sagot ay “nagkaroon ng maraming kasamahan”, ang pangalawa ay “ang kasiyahan sa gawain mismo”. Sa pamamagitan ng mga gawain, nakakakilala ng mga bagong kasamahan, nagiging matatag ang pakiramdam, at nakakapagbigay rin ng pagkakataon upang magkaroon ng lakas ang sarili. Sa pagsimula ng panahong tagsibol, gusto rin bang ninyong magsimula kahit ano mang bagay?
●Kapag naisipang magsimula nang pagiging boluntaryo….●
Kapag naisipang magsimula nang pagiging boluntaryo, komunsulta lamang sa (Sentro ng mga Boluntaryo) Konseho ng Kapakanang Panlipunan sa iyong lungsod.