社会福祉法人 福島県社会福祉協議会 避難者生活支援・相談センター

Punong Center ng Suporta para sa Pagtulong sa Buhay sa Silungan

2011/11/21
 

Isang lugar na maaaring makapagpahinga ang kaisipan na nakakapagbigay ng suporta sa damdamin para sa mga nakatira sa mga pansamantalang pabahay o bahay na inuupahan:
「Support Center Naraha」


▲Mga batang nakikinig sa pagbasa ng librong pambata sa “Klaseng Panglaro”

Ang “Support Center Naraha” ay nagbukas nitong taglagas sa Aizumisato-machi at sa Iwaki City, bilang punong pasilidad para sa iba’t-ibang mga serbisyo para sa mga taong napilitang umalis sa kanilang bayang Naraha-machi, upang makapamuhay ng ligtas sa mga silungan.

Sa atas ng Perepaktura ng Fukushima, ang Naraha-machi Council of Social Welfare ay nagpapanatili ng tanggapan at kumikilos mula sa Center. Marami ang mga serbisyong ibinibigay, kasama ang paggawa ng lugar para sa mga matatanda upang hindi sila nag-iisa at ang pagbigay ng pag-aalaga (serbisyo sa araw), pag-aalaga sa kalusugan, panlahatang serbisyong sangguni para sa kalusugan ng pag-iisip, pagpamahala ng mga pagpupulong upang magkaroon ng pag-uugnayan ang mga sumisilong, pagkain at serbisyong pagtutulong, pagbisita sa bahay, at suporta sa pagiging magulang. Kamakailan lamang, ang mga taong bumibisita sa Center ay dumadami hanggang sa mga 20 tao araw-araw.


▲Ang oras ng pagkain sa day-service. Ang center ay may paliguan din at maaaring magamit ang serbisyo para sa pagpapaligo. ▲Mga inang nagpapalitan ng impormasyon tungkol sa pagtigil ng pagpapasuso, trabaho, day nursery, atbp.

‘Karamihan sa mga gumagamit ng day-service ay pumaparito dahil “masaya ang pumarito at makipag-usap tungkol sa iba’t-ibang bagay.” Ako ay natutuwa dahil ang mga mukha nila ay sumasaya tuwing sila ay pumaparito.’ ayon kay Ginoong Teiji Kajiwara (Puno ng Tanggapan ng Naraha-machi Council of Social Welfare).
Ang suporta sa pagiging magulang na “Klaseng Panglaro” para sa mga magulang na may sanggol ay pinahahalagahan bilang isang lugar na maaaring makapagbahagi ng kuru-kuro tungkol sa pagkain ng mga sanggol at sa pagiging isang magulang. ‘Ang pagbahagi ng kuru-kuro ay nakakapagbigay ng kaluwagan sa pakiramdam. Ang matiwasay na pakiramdam ng isang ina ay napapahiwatig sa bata’ ayon kay Gining Kuniko Furuichi, ang taong namamahala sa programa.
Pagkalipas ng 2 buwan mula ng pagbukas, ang mga serbisyong ibinibigay ng center ay lalong dumami, kasama dito ay ang matagal nang hinihiling na sangguni mula sa mga dalubhasa tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa batas at tulong sa pag-alaga ng kalusugan ng kaisipan.

Mula ngayon, habang tuluyan na magsasagawa ng mga masasayang mga gawain, aming hinahangad na makapagbigay ng mas detalyadong suporta at maging isang lugar na makakapagbigay ng matiwasay na pakiramdam sa mga lumisang mamamayan ng Naraha-machi.

この記事が気に入ったら
いいね!しよう