Hindi tulad ng mga nakakapagod na araw na resulta ng kalamidad, ang mga biktima ay maaring magdusa mula sa damdaming tulad ng hindi pagtupad sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan, o hindi magawa ang mga itinakdang layunin sa kanilang buhay, o hindi kayang gawin sa loob ng kaunting oras. Nararamdaman din nila na sa sobrang pagod, makakayanan pa kaya nila ang magkaroon ng positbong pananaw sa buhay?
Noong nagpunta ako sa lugar ng mga biktima para tumulong, may nakita akong bulaklak sa mesa habang nagpupulong. Ito ay panahon ng emerhesiya at nadarama ng lahat ang nerbiyos at takot, hindi mapalagay ang kalooban. Ngunit ang bulaklak ay nagbigay ng pakiramdam ng sekuridad. Ang bulaklak ay dinala ng isang kawani. Naisip niya na magandang ideya ang magdala ng bulaklak ngunit maaring may mga reklamo din sa na “kung mayroong kang maraming oras, bakit hindi ang mahalagang bagay tulad ng pagkain ang dinala mo”. Ngunit sa oras na iyon, ang bulaklak ang nagbigay ng pakiramdam ng sekuridad.
Ang maggayak sa pananamit ay epektibo kahit para sa mga baliw na tao. Kung lumala ang demensya ng tao, hindi nila aalalahanin ang mga bagay na di mahalaga. Hindi niya pakialaman ang kanyang itsura, ang inisip lang tungkol sa pagkain. Kapag inaayusan ng bolunteer ang taong demensya, ang mga kababaihan biglang magigising at uupo ng maayos. Mahalaga na kumain para mabuhay at hindi mahalaga ang pag-aayos sa katawan ng tao. Ngunit para sa puso ng mga tao, mas mahalaga ang pag-aayos.
Kahit na mga may demensya, inaalala pa rin nila ang kanilang itsura. Tulad ng mga kababaihan na nagkaroon ng ideya na magdala ng bulaklak, ang pakiramdam na mag-ayos ng sarili ay maaring magdala ng positibong saloobin sa kanilang isipan.
Kung tanggalin ang salitang ‘o’ mula sa ‘osyare’ ito ay ibahagi na ang kahulugan ay ‘sha-re’ -kamalayan sa katatawanan sa hapon. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa katatawanan sa aming puso at isipan ay maaring malakas na armas upang mabuhay sa ilalim ng salungat na pangyayari. Kailangan namin ang tumawa sa mahirap na sitwasyon, pag-usapan ang panaginip kahit hindi matupad. Oo, ang hindi magaling na biro ng malamya na mama ay ang kanyang gayak, palampasin na lamang at tawanan.
Director ng Mental Health and Welfare Center sa Fukushima Prefecture
Mr. Akinobu Hata