Ang Fukushima Disaster Volunteer Center, NPO Japan Volunteer Coordinators Association (Tokyo), Korporasyong NPO Utsukushima Branch (Siyudad ng Fukushima) na nakikipagtulungan sa pagsasaayos ng mga isinulat (pag-eedit) na inilathalang “Fukushima Disaster Volunteer Center Newsletter- Heartful Fukushima hiwalay na pahayagan”, tapos na ang ginagampanang tungkulin sa inilathalang isyung ito. Mula ng paglalathala ng unang isyu noong ika-26 ng Abril taong 2011 ay maraming tulong na natanggap mula sa maraming tao. Maraming salamat sa inyong tulong..
Ang pahayagang ito ay nagkaroon ng tungkulin na ang tungkol sa malaking lindol, tsunami, aksidenteng pagsabok ng plantang nukleyar, mga pinsalang dulot ng bali-balita, na apat na mabibigat na hirap na nagpadusa sa Prepektura ng Fukushima, ang kalagayan ng lugar likasan at mga biktima, kalakaran ng mga boluntaryo at iba pa, ay ipaalam sa loob at labas ng Prepektura. Ang karamihan sa balita ay nasasagap sa telebisyon at diyaryo sa Fukushima ay naugnay sa aksidenteng nukleyar. Sa gitna nang mga senaryong iyon, bilang isang paraan upang mapaganda kahit na kaunti ang nakikitang kahirapan, ang impormasyon ukol sa kalamidad ng sentro ng mga boluntaryo sa munisipalidad (siyudad,bayan,nayon), pagbibigay ng mga alerto sa mga gustong magsipag-boluntaryo, pagpapakilala ng mga iba’t-ibang gawain ng mga boluntaryo, ehersisyong puwedeng gawing mag-isa, pangangalagang sikolohiya at iba pang mga impormasyon, ay tuluyang uinulat. Ang pangunahing layunin ay upang kahit sino ay maabutan at makapagbasa. Sa homepage ay nagsagawa ng mga impormasyong nakasalin sa iba’t-ibang wika.
Mula sa unang labas(isyu) hanggang bilang ika-24 ako ang, may katungkulan sa pangangalap ng mga iuulat. Laging nag-iisip ng napapanahong impormasyon, hanggang sa ika-12 labas (isyu) linggo-linggo ay parating mahigpit ang bawat iskedyul. “Kung iisipin na sa naging sakuna/kalamidad ay may mga hindi makagalaw na mga tao, kaming mga nakakagalaw ang dapat na magsipaggawa. Ang salita na buhay ay gusto kong maipaabot sa kasalukuyang Fukushima” isang mainit na salita mula kay S. “Ang paglinis ng paa ay isang sampung minutong maikling katha. Simula ngayon ay gusto kong mag-pokus sa pakikinig” ang sabi ni T, na ang mata ay nagluluha. Lubusan kaming nagpapasalamat sa mga taong sumagot sa amin na kahit na sila ay pumamasan ng hindi makitang hirap sa hinaharap ay masinsin na hinaharap ang sariling katayuan.. Bayan, trabaho, edad, lahat nang hangganan ay nilampasan na nagsikap upang mailabas ang kanya-kanyang karunungan, mga anyong nagtutulungan. Mula sa pansarili hanggang sa pagtutulong-tulong na mga aktibidades/gawain ay napalawak ng mga kabaitan ng mga tao, sa loob ng kawalang pag-asa ay ang nagluluningning na liwanag ng pag-asa. Sa aking pagsaklaw ng mga balita, marami akong nakitang halimbawa ng pagkakataong namalayan na lang habang ipinagpapatuloy ang aktibidades ang pagtanto ng kahalagahan ng “pagbigay-pansin”. Sa pagbigkas ng salita ay isang maaliwalas na pansin. Ang pagsasaayos ng Fukushima mula ngayon at sa darating na bukas, ay nararamdaman kong kung saan at kailan sa Japan ay magiging napakahalagang puwersa na susuporta sa lugar na dinaanan ng kalamidad. Ang pagsasaayos ng Fukushima ay, isang mahabang pakikipagbaka. At ang lahat ng mga saloobin din ng mga nagsipagbasa ng pahayagan, sa tingin ko ay nagkaroon ng kapansinan ang bawat isa. Ang ibig ko sana ay kung maaaring ang salita at boses ay makapagbigay ng lakas sa inyong sariling paggaling. Ang katapusan, ay isang ring simula. Sana magkita pa muli tayo sa hinaharap.
NPO Utsukushima Branch
Freelance writer Kamon Ikuko