Dahil sa alam ang hirap sa lugar likasan, simulan ang pagbibigay ng kapeng serbisyo para kahit kaunti ay makapagbigay nang kasiglahan.
|
▲Ginanap na “Nobinobi Camp (Kampo sa Pag-iinat)” noong Agosto, 2011 sa Prepektura ng Tochigi |
Si Kambenga Marie Louise (na siyang director ng isang NPO na “Rwanda no Kyoiku o Kangaeru Kai (Samahan na Nag-iisip tungkol sa Edukasyon ng Rwanda)”), pagkatapos ng kalamidad, ay bumisita sa lugar likasan at mga pansamantalang pabahay kasama ang ibang kasapi ng kaniyang samahan at gumawa ng cookies at cakes at sabay na sinimulan ang “Rwanda no ko-hi-o Tanoshimu Kai (Ang samahang nasisiyahan sa kape ng Rwanda)”.
“Dahil sa naranasan ko ang pagtira sa isang kampo ng mga refugee para makaiwas sa digmaang sibil sa Rwanda, ang hirap sa lugar likasan, ang hirap na hindi makatira sa sariling tirahan, kahit alin ay nakikita ko ang aking sarili kaya alam ko. Kahit man lang kaunti ay makapagbigay nang kasiyahan kaya ko pinasimulan.”
Pagkatapos, ang mga nakilala na taga-Pamantasan ng Kio sa pamamagitan ng pagsuporta at ang (Prepektura ng Nara) ay nagtulungang ilunsad ng “Kokoro to Karada no Stretch! Nobinobi Camp 2011 (Pagpainat ng Isip at Katawan! Kampo ng Kalayaan 2011)” para sa kapakanan ng mga bata sa Fukushima at iba pa, at bilang pagpapalawak ay hanggang ngayon ang kapeng serbisyo ay ipinagpapatuloy.
Ang pinakamahalaga ay ang mahabang panahong pagpapatuloy.
Buwan-buwan sa nakatakdang araw ay bumibisita sa mga pansamantalang pabahay at “Magkita uli tayo sa susunod na buwan” ang ipapangako, iyan ay naging kasiyahan ng bawat isa kaya ang ganitong aktibidad ay naipagpapatuloy.
●Pakikipag-ugnay:
Rwanda No Kyoiku o Kangaeru Kai (Hindi Pang-Negosyong Korporasyon na Samahan na Nag-iisip tungkol sa Edukasyon ng Rwanda)
TEL: 024-533-8289