サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Lindol sa silangang bahagi ng Japan at ang aming mga gawain ~ Napakalaking pasasalamat sa mga mainit na suporta

Malapit nang mag-isang taon nang mangyari ang lindol sa silangang bahagi ng Japan noong ika-11 nang Marso noong isang taon, Napakasakit sa aking kalooban, wala akong masabi sa kabigatan ng malaking pinsala na dulot ng tsunami. At patuloy ang pinsala at trahedyang dulot ng kontaminasyon (polusyon) ng radyasyon sa nangyaring aksidente ng pagsabog ng Fukushima Daichi na plantang nukleyar.
Ang Aoba Gakuen, ay isang pasilidad na nag-aalaga (Child Care Facility) ng mga batang hindi maaaring makapamuhay sa loob nang kani-kanilang pamamahay. Ang radyasyon na maaaring makapagdulot ng pinsala sa mga bata, na napag-alamang merong mga malubhang bagay, upang mapangalagaan ang pamumuhay at kalusugan ng mga 60 na batang magsisipasok sa pasilidad, ay gumugol nang nerbiyos hanggang sa ngayon. Palagay ko tulad din ito ng nararamdaman ng pamilyang may mga bata. Una ang pag-alis sa mga mantsa sa loob ng walang inaasahang hinaharap, may mga pagkakataong ako rin ay nalulumbay. Gayon pa man, ako ay nakasulong hanggang ngayon na hindi nawawalan ng pag-asa dahil, una na ay nandiyan ang mga kapitbahay at ang mga tao sa pook, at dahil nandiyan rin ang mga suporta ng maraming taong nagsisipag-boluntaryo.

Ang tungkol sa nangyaring aksidenteng nukleyar, ang buong komunidad ay nagkawatak-watak at, una na ang hanggang ngayon ay namumuhay sa loob ng mga lugar silungan, lahat ng mamamayan ng Perepektura ay mga biktima. Ang aming napakagandang bayan ay [dinudumihan] ng radyasyon. Kami ay nagagalit at nalulungkot, at kasama nito ay nasasakatan din ang aming karangalan sa mga nangyayaring ito.
Ang isa pang kinatatakutan ay ang pagkakaroon ng malaking agwat sa mga tao dahil sa aming kasalukuyang kalagayan at sa kaibahan ng pag-iisip. Halimbawa, may mga magulang na pumapayag sa mga aktibidades sa labas ng mga bata at may mga magulang naman na hindi sang-ayon. May mga pamilyang lumilisan ng kusa, at may mga pamilya namang ayaw lumisan. May mga pook na napinsala at may mga pook naman na hindi, iyan ang mga katotohanan. Ang mga namumuhay doong mamamayan ay may pagkakaisa sa pakikipagkapwa, ngunit pagkatapos ng lindol, dahil sa iba’t-ibang kalagayan, nagkaroon ng takot na magkahiwa-hiwalay. Kahit na sa ganitong kalagayan, sa aming nakikitang maraming mga boluntaryong kumikilos sa perepaktura, aming nararamdaman ang kahalagahan ng kaugnayan ng mga tao, kami ay nabibigyan suporta, at nahihikayat. Muli naming pagsasama-samahin ang aming mga lakas upang itatag muli ang Perepaktura ng Fukushima.

Sa maraming lugar na napinsala, ang awit na [(Furusato) Tinubuang-Lupa] na nag-uumpisa sa [Usagi oishi kanoyama, kobuna tsurishi kanokawa (kunehong hinabol sa bundok na iyon, nabingwit na isda sa ilog na iyon)] ay nakikitang kinakanta. Ang tinubuang-lupa (furusato), simula sa mga magulang ay pinangangalagaan ng mga lokal na mamamayan, lugar kung saan makakapamuhay ang mga [bata] na mapayapa ang kaisipan kasama ang mga kaibigan. Ang tao, doon lalaki, at bitbit ang mga hangarin sa buhay na susulong sa landas hanggang makapagsarili. Kahit ngayon na ang Perepektura ng Fukushima ay dumaranas pa rin ng pagdadalamhati dahil sa sinapit na malubhang pinsala, sa pakikipagtulungan ng mga taong nagboboluntaryo, ang pagpanumbalik muli ng isang bagong [tinubuang-lupa (furusato)] ay aking masinsin na hinahangad.


Korporasyon ng Kapakanang Panlipunan Pinuno ng Aoba Gakuen
Ginoong Koube, Nobuyuki

モバイルバージョンを終了