サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

“Shikisairakuen” Ang kapangyarihan ng kulay na nagpapasigla sa puso

Gaganda at gaganda ang pagmumukha ng bata na sapat na nailalabas ang kulay na sumisimbolo sa mga ipinag-aalala at mga kinakailangan nang puso.


▲“Kahit ano ay puwede niyong gamitin” “Iguhit niyo kahit ano ang gusto niyong iguhit” Sa loob nang ipinangakong kalayaan at kapayapaan ng pag-iisip ay pinaghalu-halo ang iba’t-ibang kulay ng pinta, ang pagguhit ng larawan ay nakapagbigay ng pansariling kasiglahan sa bawat bata

Ang batang tumanggap nang hamon ng labirinto ng dinosaur o ang batang patuloy na gumuguhit nang sunod-sunod sa ilang pirasong papel, sa mga ito may batang pinaghahalu-halo ang kanyang gustong mga kulay sa paleta, at iba pa, lahat ay masagana ang kakanyahan. Ito ay isang balangkas sa ginanap na [pagguhit bilang lunas] sa Kawatani Kindergarten ng Nishigou Mura. “Para sa mga bata, kahit alin man ay napakahalagang laro. Ang paglabas ng iba’t-ibang kulay ng pinta at paghahalu-halo ng mga kulay na ito hanggang sa hindi na malaman kung ano ang orihinal na kulay ay isang proseso patungo sa muling pagbubuhay. 17 taon na ang nakalipas mula noong lindol sa Hanshin Awaji na marami ring mga bata ang nakaranas ng stress. Nagiging maaliwasay ang pagmumukha ng batang sapat na nailalabas ang kulay na sumisimbolo sa mga ipinag-aalala at mga kinakailangan nang puso. Walang dapat ipag-alala kahit na madilim at magulo ang kulay. Ang mahalaga ay napahayag ang mga ito.” ayon kay Ms Fujii Masako (Tagapagbigay lunas sa Pamamagitan ng Sining/ Espesyalistang Tagapagturo).

▲Ang labirinto ng dinosaur, ay guhit nang isang mag-aaral na lalaki sa ika-6 na baitang noong lindol sa Hanshin Awaji. Mula noon, bilang [mga kulay na gamot] ng Saigairakuen, maraming mga bata ang nawili ng husto dito. Kagaya ng guhit na larawang ito, inilabas ang gustong ipakitang kulay, kahit na mahirap ay gustong mapunan ng kulay ang libirinto, hindi na kailangang sabihin na ang kalayaang makapagpahayag ay nagbibigay kasiglahan sa puso ng mga bata.

▲Patuloy ang pakikinig ni Ms Fujii sa kuwento ng mga bata

Dahil kasalukuyang nakatira sa Siyudad nang Kobe si Ms Fujii , ang pagbibigay lunas sa kaisipan nang mga bata noong lindol sa Hanshin・Awaji nang taong 1995 ang naging simula sa pagtatayo nang “Shikisairakuen”, kasama ang mga boluntaryong tauhan at sa pamamagitan nang sining ay nabuksan ang mga puso, at patuloy sila na sumusuporta sa pangkaisipang kalusugan sa pagpasagana ng kakayahan ng bawat isa. Noong panahon nang lindol sa Silangang Japan, sa Yonezawa Municipal Gymnasium ay madaliang inumpisahan ang [pagguhit bilang lunas] na napakapagbigay ng mayapang panahon. “Nang oras na iyon, ang mga naroong nagsilikas ay mga batang galing Fukushima” Simula noon, si Ms Fujii ay patuloy na regular na pumupunta sa isang nursery na may kaparehong linya. “Ako ay, tumulong lamang sa mga bata upang mabigyan nila ang kanilang sarili ng sigla. Makikita nang husto ang pagdaig nila sa mga sagabal upang tuluyang lumaki.” Ang pagtulong sa pagpapanibagong buhay ay mahabang pakikipaglaban ayon kay Ms Fujii. Sa hinaharap, ay nag-iisip din siya na makapagbigay nang parehas na binibigay na lunas sa lahat ng hindi na batang mga tao na patuloy na dumaranas ng mga problema.

(araw na nakausap: Enero 18, 2012)


モバイルバージョンを終了