Noong Enero ng taong 1991, kasama ko si Minoru Kamata, na aking matalik na kaibigan at director ng Suwa Central Hospital noong panahong iyon, na nagpunta sa Chernobyl. Gabay ang iba’t-ibang impormasyon at mga kataka-takang pagkakataon, kami ay pumasok sa kontaminadong lugar sa Belarus, na nasa daanan ng pabababang ihip ng hangin mula sa Chernobyl Nuclear Power Plant. Ang maliit na bayan ng Chechersk, na 60 kilometro mula sa Gomel, ang ika-2 malaking lunsod ng Belarus, at 170 kilometro sa hilagang banda ng Chernobyl, ay nasa gitna ng kaguluhan dahil sa malakas na kontaminasyon, kahit na 4 na taon na ang nakalipas mula ng aksidente sa nuclear power plant.
Sinabihan kami na kami ang unang banyagang tumutulong na samahan na may kasamang manggagamot na pumunta sa malayong lugar na ito.
Ang aming nakita doon ay mapa ng mga lugar na kontaminado na natakpan ang isang buong dingding ng munisipyo. Ito ay napakadetalyadong mapa na ginagamit ay iba’t-ibang mga kulay upang mahiwalay ang tindi ng kontaminasyon ng bawat isang metrong lawak sa buong bayan. Sabi nila, ang mga tauhan ng Health Service Bureau at ospital kasama ang mga residente ng bayan ang nagtulong upang masukat ang tindi ng kontaminasyon. Ngunit wala silang kaalaman kung ano ang dapat gawin upang tuluyang makatira doon batay sa mapang nagawa. Walang nakalaang paraan upang maalis ang kontaminasyon, at wala silang paraan upang makakuha ng mga bagay upang gamitin sa pagtanggal ng kontaminsayon. Wala paggagamot, wala ring mga gamot, walang mga gamit sa paggagamot, at walang kaalaman sa paggagamot ng kaser sa thyroid, mga sakit sa dugo, kaser sa baga, at iba pang mga sakit na maaaring lumabas habang tumatanda. Nang nakita naming ang mga tao sa Chechersk na talagang naguguluhan at nahihirapang lumaban sa radyasyon, aming pinasiya na sila ang bigyan ng tulong. At mga 20 taon na kami ay matinding lumaban sa hindi nakikitang radyasyon kasama ang mga mamamayan ng bayan.
Ngayon sa Chechersk, may sistema na na gumagana sa pagsuri ng pagkain sa bawat lugar na hawak ng bawat mababang paaralan. May makinarya na na sumusukat ng tindi ng radyasong natamo ng buong katawan lalo na sa mga bata. 20 taon na ang lumipas mula nang kami ay unang pumunta sa Chechersk, at sa wakas, nakikita na ang resulta ng laban ng mga tao sa radyasyon. Ngayon, nakikita ko ang parehong pagkakagulo sa Fukushima tulad nang nakita naming sa araw na iyon sa Chechersk. At nakikita ko na rin ang mahabang laban na dadaanan ng mga mamamayan ng Fukushima tulad ng dinaan ng mga mamamayan ng Chechersk. Para akong bumalik ng 20 taon sa Chechersk, kaya nakukunita ko na ang susunod na 20 taon para sa mga mamamayan ng Fukushima. Hindi dapat sumuko ang Fukushima. Makikita sa mga naranasan namin at ng mga tao sa Chechersk na kayang daigin ang paglalaban sa radyasyon.
Ang punong-pari ng Jinguuji Temple (Matsumoto City sa Nagano Prefecture)
Takushi Takahashi