サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Ang Yuai Salon ay nagkaroon ng isang [Pagtitipon sa Pag-bayo ng Mochi] na tinangkilik ng Yotsukura Area Senior Citizens’ Club Federation.

Sa kahilingan ng mga nakatira sa pansamantalang pabahay, nagkaroon ng isang masayang [Pagtitipon sa Pag-bayo ng Mochi].
Ngiti! Puro ngiti ang makikita sa lugar pulungan, sa paligid ng bayuhan at sa kusina!


▲[Yoisho! Yoisho!].
Masayang napapasigaw sabay sa pagbayo ng bigas sa paggawa ng mochi.

Sa pansamantalang pabahay sa distrito ng Onigoe sa Yotsukura-machi ng Iwaki City na tinitirahan ng mga lumisan mula sa Hirono-machi at Kawauchi-mura, ang Yuai Salon ay naghanda ng isang [Pagtitipon sa Pag-bayo ng Mochi] noong ika-20 ng Disyembre 2011 sa tangkilik ng Yotsukura Area Senior Citizens’ Club Federation. [Maraming mga residente ng pansamantalang pabahay ang nagsabi ng “Gusto naming kumain ng mochi.”. Upang mapagbigyan ang kanilang kahilingan, ang Senior Citizens’ Club ay naghanda ng 20 kg bigas na malagkit. At sa tulong ng maraming mga samahan sa kapakanan ng lipunan tulad ng Social Welfare Council ng Yotsukura, Iwaki City, at Hirono-machi Local Elderly Care Management Center, naisa-ayos ang pagtitipon.], ayon kay Tadashi Nemoto na pinuno ng Yotsukura Area Senior Citizens’ Club Federation. Kahit na may malamig na hanging imiihip mula sa hilaga, ang mga dumalo ay puno ng ngiti sa paligid ng bayuhan at sa lugar pulungan. Ang kusina na ginamit sa paggawa ng [anko mochi], [kinako mochi] at [oroshi mochi] ay abalang-abala sa mga gawain.

▲Magaling na gumagawa ng [anko mochi], [kinako mochi] at [oroshi mochi] ang mga miyembro ng Yotsukura Area Senior Citizens’ Club Federation.

▲Ang mga tauhan ng welfare pambata ng Yotsukura,
Iwaki City ang namahala sa lugar na pinaglutuan ng malagkit na bigas.

[Hindi ako makapaghanda na tulad ng dati sa bagong taon na ito kay ako ay natutuwa na may magandang mochi na makakain.], ang sabi ni Keiko Nemoto na isang residente ng Hirono-machi. Si Toshiyuki Nishiyama at ang kanyang asawa na si Yasuko, na parehong mamamayan ng Kawauchi-mura ay nagsabi na, [Maaga naming nararamdaman ang Bagong Taon. Maraming salamat sa pagdala ng mochi hanggang dito sa amin.]. Dahil napakasarap ng moching bagong gawa, ang ginawang 120 na silbi ng mochi ay mabilis naubos.

▲[Ang lambot at ang sarap ng bagong gawang mochi ~]

▲[Kami ay natutuwa na lahat ay nasiyahan], ang sabi ni pinunong Nemoto.

[Ako ay tuwang-tuwa sa isinagawang pagtitipon na puno ng ngiti. Talagang ako ay nasiyahan. Napakahalaga ng pagtutulungan ng mga samahang sumusuporta sa mga naging biktimang tao upang gumawa ng mga gawaing tulad nito. Sa paraang ito, aming nabibigyan ng masinsinang pansin ang mga biktimang tao.], ayon kay Eiko Wada na isang punong tagapag-alaga ng Yotsukura at Hisanohamaohisa Local Elderly Care Management Center. Balak ng mga miyembro ng
Yotsukura Area Senior Citizens’ Club Federation na magkaroong ng isang pagtitipon para maraming mga tao ang magkakaroon ng pagkakataon na muling magkapagsaya. Ang pag-ngiti ay isang nakakapagbigay ng sigla, kaya tayo ay sumali sa pagtitipong ito at mag-ipon ng sigla upang mapaganda ang taong 2012.
(araw na nakausap: Disyembre 20, 2011)


モバイルバージョンを終了