サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Ang pag-umpisa ko bilang isang tauhan na ang trabaho ay tagabantay na tagapag-alaga

Mula sa isang tauhan na nagbibigay suporta na pumunta sa Kashiwazaki City ng Niigata Prefecture, upang tumulong sa mga taong sumisilong
Support Center “Amayadori” para sa mga biktima ng sakuna sa Kashiwazaki City
Gng. Terumi Igari, bumibisitang tauhang taga-suporta


9 na buwan na ang lumipas mula noong ako ay lumisan mula sa Minamisoma City ng Fukushima Prefecture at sumilong sa Kashiwazaki City ng Niigata Prefecture matapos ang Malaking Lindol sa Silangang Parte ng Japan. Ngayon ako ay isang tauhan na ang trabaho ay tagabantay na tagapag-aalaga ng mga sumisilong dito sa Support Center “Amayadori” na nasa Kashiwazaki City.

Ang dahilan ng pag-umisa ko sa gawaing ito ay ang pag-iisip kung ano ang aking magagawa, dahil nais kong makatulong sa mga mapinsalang mga tao. Aking inaasahan na sa pakikipag-usap sa aking tungkol sa kanilang karanasan noong lindol, tungkol sa kanilang kasalukuyang damdamin, at tungkol sa mga suliraning kanilang hinaharap, kahit na kaunti man lamang ay gagaan ang kanilang pakiramdam.

Sa umpisa, hindi ko kayang makipag-usap ng mahusay dahil sa nerbiyos, kaya hindi ko alam kung maipagpapatuloy ko ang gawaing ito, ngunit ngayon natatandaan na nila ang aking mukha at may nagsasabi pa na [Hinihintay ko ang pagdating mo], o [Inaasahan ko kayo]. Tuwing nakakarinig ako nang mga ganitong salita, ako na nagbibigay suporta ang natutuwa.

Ngayon darating na ang panahon ng tag-lamig. Nais naming hilingin ang tuluyang suporta ng mga NPO at mga boluntaryo na may lubusang kaunawaan sa damdamin at pangangailangan ng sa mga sumusilong na mga napinsalang tao

Ang tao ay hindi mabubuhay nang nag-iisa. Dahil nasa hindi kilalang lugar at nasa isang kapaligiran na hindi nakasanayan, sana magtulungan, magkasamang magsaya, maging matibay ang pakikipag-ugnayan na hindi napipilitan, at hindi nagpapasobra ng paggawa na magkasamang magsikap.

モバイルバージョンを終了