サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Palaganapin ang mga aktibidad sa salon upang maging masigla ang ating mga puso!

Maraming mga aktibidad ang magagawa kung ang salon ang gagawin sentro, tulad ng pagsasalu-salo, paggawa ng krismas wreath at pagpamigay nito.


▲Nagtutulungan ang mga sumali na nilalagyan ng mga palamuti ang krismas tree.
Ang mga palamuti ay regalo mula sa Otama Mura Council of Social Welfare.

May 419 na mga tao sa 211 pamamahay na lumisan mula sa Tomioka-machi na nakatira ngayon sa pansamatalang mga pabahay sa Otama-mura Adatara na nasa Tamanoi sa Otama-mura. Ang mga residente, sa tulong ng maraming mga organisasyon tulad ng Otama-mura Council of Social Welfare at JICS Nihonmatsu, ay ginagamit ang 3 lugar pulungan at nagtayo ng mga salon. Ang pagbukas ng salon tuwing Martes ay nagumpisa sa pagpunta ng mga nars ng St. Luke’s International Hospital upang bisitahin at tignan ang kalusugan ng mga sumisilong na mga tao. Ang mga miyembro ng A-coop (isang kooperatibong pang-agrikultura) ay naggagawa rin ng mga aktibidades sa salon tuwing Huwebes. Karaniwan, may mga 13 hanggang 15 taong sumasali sa mga aktibidades. Unti-unting dumadami ang mga taong nais makatulong, at minsan nagkaroon ng salu-salo para sa mga nag-iisang nakatira sa mga pansamantalang pabahay.

▲Ang isang day-care center na malapit sa lugar ng pansamantalang mga pabahay ay binigyan din ng mga nagawang krismas wreath.

Ang paggawa ng mga krismas wreath at ang paglagay ng palamuti sa krismas tree ay mga aktibidades na isinagawa sa kahilingan ng mga sumisilong na tao. [Gumawa ng mga 50 krismas wreath. Ang krismas tree na natapos lagyan ng palamuti ngayon, ay balak na ilagay sa lugar pulungan. May binabalak na gagawing salu-salo para sa pasko sa ika-21 ng Disyembre. Para naman sa bagong taon, may darating na Shishimai at lahat na natutuwang inaasahan ito.], ayon kay Akiko Nemoto (isang tagapayong nagbibigay suporta sa pamumuhay ng Tomioka-machi Council of Social Welfare). Masiglang napapalipas ang mga araw kapag may mga masayang aktibidades na inaasahang darating. Balak nilang ituloy ang mga aktibidades sa salon sa bagong taon na darating na ang salawikain ay [Maging masiyahin! Maging masigla!].

(araw na nakausap: Disyembre 2, 2011)


▲Ang gumagawa ng mga krismas wreath na hinilingan na [Gusto rin namin para sa bahay.]
[Gumagaling tayo sa paggawa habang tumatagal, baka kaya na nating maging propesyonal.], ang galing na biro nang isa na lahat ay natawa.
モバイルバージョンを終了