サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Ano ang mga parts na bumubuo sa inyong minamahal na araw-araw?


Pangangarpintero sa bahay habang nakikinig sa Blue Hearts. Pagluluto ng almusal para sa asawa at anak ko sabay nakikinig sa balita sa radio. Oras ng hapunang lutong isda na nagsasama ang buong pamilya, na sumisipsip ako ng coke ng pakaunti.
Sa gabi naman’y matutulog kami ng mga anak ko habang nagbabasa ng libro para sa kanila. Kung nagising ako sa hating-gabi manonood ako ng TV habang kumakain ng saliwang pipino. Sa araw na may nangyaring hindi ko gusto, kumakain ako ng pudding para bumuti ang aking pakiramdam. Pag may nangyaring mabuti kakain din ako ng pudding. Kakaunting bagay lamang, pero nabubuo ang minamahal kong araw-araw ng mga parts na ito.

Kayo naman, papaano nabubuo ang inyong mahal na araw-araw?
Bahay, trabaho, hobbies… Ang mga tumutulong sa Sentro ng mga Boluntaryo ay nagsisikap para maibalik nang “mas maaga kahit konti” at “mas marami kahit konti” ang inyong araw-araw na biglang nawala noon. Hanggang ngayon marami ang tumutulong. Iba’t-iba ang lugar at ginagawang tulong. Hindi lamang “dorodashi (pagtanggal ng dumi)” ang trabaho ng Disaster Volunteer Center at Recovery Volunteer Center kundi ang iba’t ibang gawain para maibalik ang pamumuhay na dati.

Ngunit, mahirap ng ibalik ng buo ang dating pamumuhay. Gayunpaman, maaaring mapabuti ang inyong araw-araw na pamumuhay, pati na ang buhay nag-umpisa noong araw ng lindol.

Kailangan natin ng kaunting pagsisikap para isaayos ang bagong pamumuhay kasama ang kapitbahay. Baka naman magiging isang paraan ang pagpapaalam ng mga parts na nabubuo ng inyong mahal na araw-araw. Tinatawag ko itong “pagbubukas ng sarili”. Kung matagal kayong kilala ng mga kapitbahay, siyempre alam na nila ang iyong ugali. Bagamat, tayo ay nasa biglaang pagbabago ng pamumuhay. Kaya kung kayo ay “magbubukas ng sarili”, malamang na dadami ang inyong mga kaibigan sa paligid.




G. Osamu Hasebe
Disaster Volunteer Activity Support Project (Prohiyekto para sa pagtulong sa mga boluntaryo pansakuna)
Social welfare corporation Kobe City Social Welfare Council

モバイルバージョンを終了