Ang malaking lindol sa silagang Japan noong Marso 11, na maliban sa lindol at tsunami ay nadagdagan pa aksidente sa nuclear power stations, ay naging dahilan sa walang magawang paglisan ng maraming tao sa Perepaktura ng Fukushima at sa kasalukuyan nilang pamumuhay habang nakalisan. Ang mga taong kailangang umalis sa kanilang mga lugar dahil sa itinakdang maligalig ng pamahalaan ang kanilang lugar, ang mga taong kailangan lumisan dahil mataas ang radyasyon sa kanilang lugar, marami ang mga taong ito na lumisan at sumisilong ang loob at labas ng perepaktura.
Upang sa pinakamadaling panahon ang mga taong ito na naghihirap dahil sa walang pag-asang pamumuhay sa lugar lisanan, ay maka-uwi at mapanumbalik ang dati nilang pamumuhay, kasabay sa mga ginagawang paraan ng bansa at ng Tokyo Electric Power Company, kailangan ang pagkilos upang maibalik sa lahat ng mamamayan ng Perepaktura ng Fukushima ang kanilang bayan.
Sa Fukushima University, itinatag ang Disaster Recovery Research Institute noong Abril, at sabay sa pagsiyasat sa mga lugar lisanan at mga pansamantalang pabahay ay itinataguyod din ang pagkilos upang mapaganda ang pamumuhay ng mga naging biktima. Noong Hunyo at Hulyo, nagsagawa ng pagsiyasat sa pamamagitan ng pagbigay ng palatanungan sa mga 200 pamilya na napilitang lumisan at sumilong sa Tokyo, at siniyasat ang mga suliranin sa pamumuhay sa lugar silungan, ang kalagayan ng kanilang [dobleng pamumuhay] at ang kanilang pag-iisip tungkol sa pag-uwi sa sariling bayan. At nang Setyembre naman, katulong ang samahan ng mga mamamayan na inumpisahang gumawa ng pagsisiyasat sa tunay na kalagayan na para sa mga mamamayan na dating nakatira sa Futaba 8 Chouson (lahat ng pamilya) na lugar ng samahan ng mga mamamayan sa mga lugar sa paligid ng nuclear power stations.
Sa pagsisiyasat na ito, nakakuha kami ng mga salita tulad ng [Gusto to nang umuwi kaagad sa sarili kong bahay. Ako ay nagpupunta sa ospital ngayon, nag-aalala ako sa aking katawan], at ng [Sana magbigay ng panahon ang pamahalaan at ang mga may kaugnayang mga organisasyon kung kailan kami maaaring maka-uwi], at kasama rin nito ang mga ito ay ang mga kuru-kuro tulad ng galing sa isang taong napilitang mamuhay ng hiwalay sa kanyang pamilya na sabi niya ay [Kapag hiwalay na namumuhay sa pamilya, hindi maayos ang komunikasyon at magkakaroon ng alitan].
Ang naging malinaw sa pagsisiyasat na ito ay ang dami ng taong na lubhang nagnanais na bumalik sa kanilang [bayan]. Sabay nito ay ang nararamdaman na pag-aalala dahil sa hindi pa malaman kung kailan makakabalik dahil sa lakas ng radyasyon at sa paglilinis na ginagawa.
Mula ngayon ay mahaba pa ang landas hanggang makapanumbalik sa dating kalagayan. Tayo na at magsikap upang sa pinakamadaling panahon ay maibalik ang dating kagandahan ng kalikasan ng Fukushima, upang ang mga lumisang mga tao at saka ang nawalang pamumuhay dahil sa lindol ng lahat ng mamamayan ng Perepaktura ng Fukushima ay maibalik.
Fukushima University’s Disaster Recovery Research Institute
Tanba Fuminori