Pangalagaan ang mahalagang buhay, ibalik ang dating kagandahan ng Iitatemura!
Proyekto sa pagbalik ng minamahal na Iitatemura sa dating kalagayan Magenedo IITATE!!
▲Nag-kakaisa sa kamalayan na [kailangan ang pagkilos ng mga mamamayan]. Ang mga tauhan ng [Proyekto sa pagbalik ng minamahal na Iitatemura sa dating kalagayan Magenedo IITATE!!] na inumpisahan noong Abril |
Ang [Proyekto sa pagbalik ng minamahal na Iitatemura sa dating kalagayan Magenedo IITATE!!] (tutukuying [Magenedo IITATE!!]) ay itinatag ng mga taong nagmamalasakit para sa Iitatemura noong Abril ng taong ito, habang nililisan ang buong bayan dahil sa unang aksidente sa nuclear power station sa Fukushima.
Mula noon, sila ay nag-anyaya ng mga dalubhasa upang pag-usapan ang tungkol sa radyasyon, inilalagay nila sa homepage ang kalagayan ng paglilisan at pag-umpisa ng mga trabaho, nagtatawag sila ng pulong ng mga mamamayan ng bayan upang pag-isipan ang kasalukuyang kalagayan ng Iitatemura at kung ano ang gagawin mula ngayon, at masigasig na inumpisahan nila ang mga aktibidades upang talakayin ang maraming mga bagay kasama na ang hindi matugunan ng munisipyo.
Ang isa sa mga pinahalagahan ay ang ang pagpangalaga sa buhay at kalusugan ng mga bata at ang pagpangasiwa ng kalusugan ng mga mamamayan ng bayan.
[Palagay ko nakaalalay sa aming mga pasiya ngayon kung magkakaroon ng kinabukasan na makapamumuhay na nakangiti ang lahat ng naging biktima. Para din dito, palagay ko kailangang itala ang lahat ng mga ginagawa kaya ako ay gumawa ng libreta para talaan.] ayon kay Ginoong Sato Kenta (pangunahing tagapamahala).
Ang pinanukalang libreta para sa malusog na pamumuhay mula noong Mayo na pinaghandaan sa tulong ng mga dalubhasa ay lumabas na sa inilabas ng munisipyo para sa mga bata at mag-aaral na [Madeinakarada Libreta ng Kalusugan].
▲Si Sakuma Kiyoshi, Vice-Chairman ng Hiroshima Confederation of Atomic Bomb Victims na nagbigay ng payo para sa paggawa ng Libreta para sa Malusog na Pamumuhay, at si Ginoong Sato Kenta |
At ang libereta para sa mga hindi na menor de edad na [Libreta para sa Malusog na Pamumuhay] na hindi matugunan ng munisipyo ay kanilang naibuo noong huling parte ng Setyembre. Sa libretang ito na ipinamigay sa lahat ng mamamayan ng bayan, nakasulat ang mga tala na maaaring kailangan, na kahit na hindi kayang sulatin lahat ng nag-iisa ay maaaring masulatan ang mga puwang ng kamag-anak o kasama kapag nagsama-sama, na sana ay maging dahilan na magkita-kita at magsama-sama muli ang mga nagkahiwalay na mga kasamahan. Ang libreta ay malapit ng maaaaring ma-download sa homepage ng [Magenedo IITATE!!]. [Isa itong paraan upang mapangasiwaan ang sariling kalusugan kaya sana inyong gamitin] ang panawag ni Ginoong Sato. Ito ang URL. http://space.geocities.jp/iitate0311/index.html
▲Ang nabuong Libreta para sa Malusog na Pamumuhay. [Ang libretang ito nabuo sa kagandahang loob ng mga dalubhasang manggagamot, mga mag-aaral sa unibersidad, sa mga naging biktima ng atomic bomb sa Hiroshima, Nagasaki at Islang Bikini, mga taong naglalaban sa korte tungkol sa pagkapinsala dahil sa pagkarumi ng kapaligiran at ng mga taong sumusuporta sa aming mga aktibidades sa pamamagitan ng pagtingin sa homepage.] ayon kay Ginoong Sato. |
※Ang kanjing [真手] na sinusulat na (まてmate) ay salita sa makaunang-panahon na ang ibig sabihin an parehong kamay at ang [までいmadei] ay salitang ang ibig sabihin ay [hindi pagkakaitan ng paghihirap at oras], [pag-iingatan], [buong pusong isasagawa], atbp.
Ang Iitatemura na piniling hindi sumali ng pagsamahin ang mga bayan noong malaking pagsamahan sa panahon ng Heisei, ay itinaguyod ang lakas na [までいmadei] bilang layunin sa pamumuhay