Pagkatapos agad ng lindol, ang unang napagkukunan nang impormasyon ay ang radyo. Nang gabi nang ika-11 ng Marso, napag-isipang kong makinig magdamag sa loob ng kotse. Tuluyan akong nakinig habang nakapako ang paningin sa kadiliman. Habang nasa kalagitnaan ng pagkasindak sa pagkaranas ng kahit kailan ay hindi pa naranasang napakalaking kalamidad, mula sa tinig ng ispiker sa paradahan ng Sentrong Pangkomunidad ay nahikayat ko na tulungan ang aking sarili. Habang paminsan-minsan ay lumuluha ang tagapag-anunsiyo, masigasig na ipinagbigay-alam ang mga impormasyon. Sa pakikinig, parang nagawang maging kalmado ng aking pakiramdam.
Mula noon ay nagkaroon uli ako nang tiwala sa radyo na isang medya, ngayon ay parati nasa tabi ko. Kahit na sa oras na tinatamaan ng malakas na aftershocks, ay agad kong inaalam ang tindi ng lindol at pinsala. Kahit na sa oras na nakaramdam nang pagkalumbay, ay parati lang nakabukas para makabatid agad at maiwasan ang pangangamba. Ang radyo ay galing sa kung saan man ipinamigay lang sa oras na yun. Sa oras na kahit isang hakbang ay hindi makalabas nang bahay, nakatulong na maging parang isang pakikipag-ugnayan sa pamumuhay sa labas.
Kahit ngayon, sa simula ay hindi lumalabas ang gustong simulang isulat na banghay, o kaya ay nagsusulat subalit bigla na lang mahihinto kung ano ang nasa kaisipan…, sa mga ganitong pagkakataon ay bigla ko na lang bubuksan ang swits. Hinahayaan ko munang makinig kahit sandali, pagkatapos ay hihinaan ang tunog o kaya ay papatayin ang tunog. Pagkatapos ay magsisimula uling magsulat. Kapag may naramdaman ng kahit ano, sa pag-iisip ng mga bagay at paghahanda ng sarili, sa tingin ko sa ganitong paraan ay makakagawa nang maayos. Maaari mo ring matuklasan ang sandaling mag-iiba ang pagsusulat. Kaya ang radyo ay parating nasa tabi nang mesa sa silid.
Dahil sa trabaho na may kaugnayan sa pananalita at pakikipagpanayam, paminsan-minsan may panahon na tumitigil sa hotel. Sa katunayan ako ang uri na hindi makatulog sa unan ng lugar na binibisita. Sa gabi kahit na manood ng telebisyon, talagang hindi man lang makaramdam nang antok. Kaya…sa paghahanap, ang mga karamihan sa hotel ngayon ay walang mga nakalagay na radyo sa tabi nang higaan. Kaya sa simula pa lang, nagdadala na ako nang maliit na radyo. Sa pakikinig ng mga ibinabalita sa lugar, nagiging kalmado ang pakiramdam, at makakatulog.
Ang bawat tao para sa akin ay may kanya-kanyang sariling prikwensiya kung tawagin. Ang ukol sa bagay na iyan ay radyo ang nagturo sa atin. Kapag naghanap nang programa at tumama sa sariling prikwensiya, ang pakiramdam ay parang nahanap mo ang iyong sarili. Sa oras na palagay mo ay nahanap mo ito, ito ay nangangako nang panibagong oras sa atin. Sa napakahirap na panahon ng lindol, hanggang ngayon tayo ay nakaalpas. Subalit huwag po nating kalimutan ang ating [prikweksiya], na ang ating sinilangang-bayan na Fukushima ay ating hinahanap-hanap….iyan po ang aking pakiusap.
Manunula Wago, Ryoichi
[Profile]
Ryoichi Wagou
Ipinaganak noong 1968 sa Fukushima City. Guro ng wikang Hapon. Nakatanggap ng ika-4 na Chuya Nakahara Award sa una niyang kalipunan ng mga tula, “AFTER” (1998). Ang ika-4 niyang kalipunan ng mga tula “Chikyu Zunou Shihen (Mga Tula ng Utak ng Daigdig) ” ay nabigyan ng ika-47 na Bansui Award (2006). Pinag-sasabihan na “Hepe sa mga kabataang makata” sa Nikkei Newspapers atbp.
Mula noong nagkalindol, naglalabas siya ng mga patuloy-tuloy na tula sa pamamagitan ng Twitter sa pamagat na “Graba ng mga Tula” at nagiging sikat ito. *Ang kaniyang account ID ay (@wago2828)
Noong Hunyo ng taong 2011, naithala nang sabay ang mga librong “Shi no Tsubute (Mga Graba ng mga Tula)” (Tokuma Shoten Publishing), “Shi no Mokurei (Tahimik na Panalangin ng mga Tula)” (Shinchosha Publishing), at “Shi no Kaikou (Pagkakatagpo ng mga Tula)” (Asahi Shimbun Publishing). Nang parehong taon itinayo nila ang PROJECT FUKUSHIMA! at nagsagawa ng sabay-sabay na event sa iba’t ibang lugar noong ika-15 ng Agosto. Sumabay sa Pyanistang si Ryuichi Sakamoto at Gitaristang si Yoshihoide Otomo.