サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Pansamantalang Pabahay Pangkagipitan sa Uenodai, Kunimi-machi ~ Kaunting pagkakaiba sa Karaniwang Ocha-kai ~

Masayang magkantahan sa Karaoke Bus upang maka-ipon ng sigla para sa kinabukasan!


▲“Matagal na na wala akong ganang kumanta, ngunit ngayon ako ay nakakanta pagkalipas ng matagal na panahon at ang napakaganda ng pakiramdam ko,” sabi ni Gng.
Toshiko Kanno. Ngayon, siya ay naglilingkod bilang isang miyembro ng Mimamori-tai sa Iidate-mura.

Sa Kunimi-machi, Date-gun, pahilagang dulo ng Fukushima, mayroon 4 na lugar para sa pansamantalang pabahay.
Ang mga mamamayan ng Kunimi-machi at Iidate-mura ang nakatira roon.

Sa limbag na ito, aming ipapakikilala sa inyo ang paggamit ng mga mamamayan na nakatira sa pansamantalang pabahat sa Wanodai, Kunimi-machi ng “Karaoke Bus Para sa Community Interchange ng Mga Pansamantalang Pabahay sa Prepektura” upang lalong mapasaya ang kanilang ocha-kai, at kung ano ang mga ginagawa nila sa ocha-kai (komunikasyon sa pag-inom ng tsaa).


▲Puno ng ligaya ang community hall noong araw na ito dahil sa pagdating ng Karaoke Bus,
may kumakanta na habang papunta pa lang sa Ocha-kai mula sa pansamantalang pabahay.

Noong ika-10 ng Agosto, dumating sa Kunimi-machi ang Karaoke Bus na umiikot, na isang prohiyekto para sa mga sumulong na isinasagawa ng Samahan ng mga Pang-sosyal na Kainan at Inuman na Negosyo sa Fukushima.
Noong araw na ito, nag-tipon ang mga tao at nagsaya sa pag-uusap at tumuloy sa bus.
Kumanta sila ng paborito nilang mga kanta.
“Nasanay na kami sa buhay dito at dumalaw dito. Naalala ko ang pagpunta ng aming samahan pang-matanda sa hot spring habang kumakanta. Nakakapanibago ang kumanta.” Sabi ni Gng. Hatsuyo Satou.
▲Si Gng. Fumiko Matsuura ng Welfare Committee na bumabati sa community hall.

Mula noong nagkalindol, nakalimutan na daw nila ang pagkanta, at sa araw na ito, ang saya-saya nila.
Sabi ni Gng.
Fumiko Matsuura, Welfare Committee sa Kunimi-machi na “Lahat sila’y mukhang ang sarap ng pakiramdam.” Mabuti’t pumunta ako ngayon, nakilala ko pa ang dating Welfare Committe sa Iidate-mura. Sa susunod, ipaalam sana ito pati sa nakatira sa mga pabahay na hindi sa Pamahalaan.”
Ang pansamantalang pabahay, ay, siyempre, pamsamantala lamang. Ngunit ito ang mahalagang batayan ng pamumuhay ngayon. Kahit na simpleng ocha-kai, maaaring gawing masaya at masagana sa paggawa ng kaunting pagkakaiba.
Sana gawin din ninyo ito sa inyong pook.

▲Nalugod sila sa karaoke na matagal nawala, minsan nagpapalakpak pa at nalimutan ang oras.
モバイルバージョンを終了