サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Ukol sa Obon

Patuloy ang mainit na araw-araw. Ang lahat ba ay masiglang pinapalipas ang mga araw?
Ang Obon po ay isang tanging panahon na nakabaon na sa ating pamumuhay. Mula nang matapos ang pagsalubong sa ika-49 na araw, ito ang unang pagsalubong ng Obon na ang tawag ay Niibon, bukas-palad akong magbibigay nang natatanging serbisyo ng pag-alaala sa mga namatay. Sa Siyudad ng Iwaki, may isang uri ng Odorinenbutsu (sayaw panalangin) “Jan’gara Nenbutsu Odori” na naghatid nang lokal na pampublikong aliwan, habang kinukumpas ang ingay nang tambol at batingaw, maglilibot ako sa bahay-bahay at iba pa na magdadaos nang Niibon para magbigay nang serbisyo ng pag-alaala sa mga namatay.

Noong ika-11 ng Marso ay nagkaroon ng malakas nalindol sa Silangang bahagi ng Japan, kaya ngayong taong Equinoctial Spring na taun-taon ay sinasayawan, alam ko na marami ang hindi nakapagbigay ng kanilang ala-ala sa mga namatay. Sa mga ito, marami ang may mga espirito ng ninunong sasalubong ng kanilang Niibon, may kakaibang ibig sabihin ang Obon ngayong taon, maaaring maging isang mahalagang pagtatapos ng isang bahagi sa loob ng puso.


[Lahat ay Uuwi ng Obon]
Sa Obon, maraming kaugalian ang pinaniniwalaan na magsisipag-uwian sa kanilang bahay ang mga ninuno. Sa pagsalubong na Obon at paghatid na Obon, nagsisindi ng apoy sa may pintuan para sa pagsalubong at paghatid, bibisita ng libingan at magsisindi ng mga papel na parol, ang liwanag nito ay nagbibigay liwanag sa mga daanang aapakan, na isang kaugalian sa pagsalubong at paghatid sa mga ninuno. Sa Buddhist altar o kaya ay sa salansanan para sa Obon, ay naglalagay ng mga palamuti gaya nang pipino at talong. Ang pipino ay simbolo ng mga kabayo, na ang ibig sabihin ay gustong sa madaling panahon ay umuwi kaagad sa bahay ang mga ninuno, ang talong ay simbolo ng mga baka (cows), na ang ibig sabihin ay dahan-dahan lang ang pagbalik, sa kagustuhang kahit sa kaunting panahon ay magtagal sa bahay, ang kahilingan ng lahat ay naisasama.
Taun-taon ay nagiging paksa ang madaliang pag-uwi. Ang highway o kaya ang eroplano at ang shinkansen ay siksikan, gayunpaman, nagsusumikap pa rin ang lahat na makauwi nang probinsiya. Ang magsisipag-uwi kasi ay hindi lang ang mga ninuno, pati na ang mga pamilyang namumuhay nang malayo・mga kamag-anak・at mga kaibigan ay magsisipagbalikan sa tahanan, ang mga mukhang matagal nang hindi nakikita ay makikita. Makikipagkita muna nang personal bago sama-samang bibisita sa libingan na isang napakahalagang pagdarasal sa pinagmulan ng kani-kanilang buhay. Ang Obon ay hindi lang isang mahabang bakasyon, nagpapahiwatig din nang mga sinauna, isang tanging panahon para sa pasasalamat sa ibinigay na buhay.


[Ang kahalagahan ng buhay]
Sa pamamagitan nang pagbibigay ng marangal na pag-alala sa mga naunang pumanaw, ang pagbabalik tanaw sa mga natanggap na tulong, mararamdaman mong ikaw ay buhay ngayon. Walang taong maaaring mabuhay ng nag-iisa, nabubuhay tayo na tumatanggap ng iba’t-ibang tulong. Ang pamilya, siyempre, at sa mga taong may iba’t-ibang kaugnayan, bahay at mga kagamitang pambahay saka mga pagkain at inumin, mga halaman at hayupan, lupain・tubig・hangin・iba pang mga solar ang maraming bagay na dapat nating maunawaang pasalamatan at magtanaw nang utang na loob sa pagbibigay sa atin ng buhay. At saka, mula sa kapanganakan ng sangkatauhan sa mundong ito ay kahit isang beses ay wala man lang pahinga, mula sa anak hanggang apo, mula apo hanggang apo sa tuhod, mula sa ninuno hanggang sa mga anak ng mga apo na isang riley nang buhay na dapat nating ipagpasalamat nang sunod-sunod, Sa kadahilanang nandito tayo ngayon at nabubuhay. Ang Obon ay isa ring pagbibigay pasasalamat dahil sa tayo ay ipinanganak sa mundong ito.
Ang buhay ay may hanggadan din, at mabubuhay lang tayo nang isang beses. Ipagpasalamat nating nabigyan tayo nang buhay nang ating mga magulang na siyang kumakabit mula sa ating mga ninuno, at nakikiusap ako na ibigay natin ang lahat nang ating makakaya para lamang mabuhay kasama na pati ang bahagi ng mga naunang pumanaw. Kami ring mga tauhan ng sentro ng mga boluntaryo (volunteer center staff), kahit kailan ay nakahandang tumulong para kahit man lang kaunti ay makapagbigay nang lakas.



Yonezawa Chishu (Sotong Pari) Relief Chairman ng Japan Buddhist Youth Association

モバイルバージョンを終了