サイトアイコン 福島県避難者生活支援・相談センター

Volunteer Network ng Mga Mag-aaral

Sa pamamagitan ng mga ideya galing sa kabataan at malawak na network, patuloy naming gagawin ang mga gawain para mas maraming tao ang masiyahan.

Ang Fukushima Recovery Support Students’ Network ay itinatag sa pamamgitan ng inisyatiba ng Disaster Volunteer Center ng Fukushima Unibersidad upang bumuo ng kalidad na mga aktibidades at palawakin ang lugar ng mga gawain sa buong perepaktura. Ang mga gawaing ito ay ang pamamahagi ng mga relief goods, tulong sa mga pagdala ng pang-araw-araw na mga gamit sa mga pansamantalalang bahay, serbisyo ng mainit na pagligo sa paa, pagkakaroon ng tindahan ng pagkain sa iba’t-ibang kaganapan, atbp.
Ayon sa lider ng network, Ms. Ayumi Takahashi, “Ang pangunahing layunin ay upang bigyan ng tulong ang mga nasalanta sa Fukushima. Hinaharap namin ang maraming hamon habang ginagawa ang aming gawain ngunit ang network ay ang lugar kung saan maari naming matugunan ang hamon.”

Sinabi din niya, “Na malaking kalamangan na ang mga miyembro naming ay galing sa iba’t-ibang larangan ng pag-aaral. Sa pagkakaroon ng palitan ng pananaw tungkol sa serbisyo ng mainit na pagligo sa paa, natagpuan namin ng mga mag-aaral mula sa Fukushima Unibersidad, Kolehiyo Enhinyeri ng Nihon Unibersidad at Kohriyama Instituto ng Kalusugan ang mga iba’t ibang ideya sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw, na maaring hindi namin alam dati.”

▲ ‘Gambappe taiso’ ay ehersiyong madaling magawa ng kahit sinuman

▲Pamamahagi ng mga plato at panluto na ipinadala bilang relief goods. Dahil sa dami ng nangangailangan, ang bilis naubos. ▲Ang vietnamese na matamis na sabaw na ang pangalan ay “Che” ay ipinamigay ng walang bayad. Itinuro ng guro na taga-Vietnam kung paano lutuin at lahat ay natuwa sa matamis na sabaw.

Gusto namin ipakilala ang aktual na aktibidad na naglalarawan ng kanilang pagkikilahok sa pagdiriwang ng sayaw ng BON na ginanap noong ika-16 ng Agosto sa Kitakansen, unang pansamantalang bahay na matatagpuan sa Hirano, Iisaka-cho, sa Lungsod ng Fukushima. Sa araw ng piyesta, ang mga mag-aaral at tumulong sa pag-aayos at paglilinis ng lugar. Marami sa kanila ay mga mag-aaral ng Fukushima Unibersidad. At ilan sa mga ito ay mula sa Fukushima Gakuin Unibersidad, Nihon Unibersida, Osaka International Unibersidad at Sakura no Seibo Junior College. Sila din ang nagtayo ng pwesto ng tindahan, at nagpakita ng “gambappe taiso” ehersisyo na maaring gawin ng sinuman.

“Sa mga sentro ng paglisan pati na rin ang mga pansamantalang bahay para sa mga lumisan, nalaman namin na nagkaroon sila ulit ng lakas sa pagkakaroon ng mga mag-aaral sa Universidad. Nabigyan kami ng lakas at saya.” Sabi din ni Ms. Takahashi, “Bukod sa tulong, nabibigyan din nga pagkakataon na magsama-sama ang maraming tao at bigyan kahalagahan ang bawat loobin at palagay ng mga nasalanta. Bawat isa sa mga nasalanta ay may kwento ng buhay. Gusto naming makinig sa kanila.” Ang pagpapatuloy ay kapangyarihan’ ayon sa kasabihan sa Hapon. Inaasahan namin na sila ay magpapatuloy sa kanilang gawain upang mapasaya ang marami sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang network.



Fukushima Recovery Support Students’ Network
Ang mga mag-aaral mula sa 16 na unibersidad, kolehiyo, bokasyonal na paaralan, at sa graduate school ng Fukushima prefecture ay nagbahagi ng impormasyon at nagtulungan para sa mga gawaing ito. Sa buwanang pulong ng pangkat, ang mga mag-aaral na nag-aaral ng patakaran at administrasyon, enhinyero, pagiging nars, welfare ay nag-ulat ng kani-kanilang aktibidades upang talakayin ang mga problema at gumawa ng bagong proyekto. Ang litrato ay kinuha noong August 2, 2011, ikatlong pulong sa Fukushima Gakuin Unibersidad.

モバイルバージョンを終了